Ang tao’y humihinga para mabuhay
At sa kaniyang pagtanda lilisanin niya
Ang lahat ng bagay at siya’y babalik
Sa lupa na kaniyang pinagmulan…
Ang mga idiyang napipinta sa isipan
Kung lilinangi’t palalaguin ng tama
Sila’y magbibigay ligaya’t liwanag
At karagdagang kaalaman sa buhay…
Nguni’t pagkatapos silang pakinabangan
Sila’y wawalisin at papalitan sa isipan
Upang bigyan ng daan ang sususnod
Na bagong ipupunlang kaalaman…
Katulad ng mga dahon na malago
Sa mga sanga ng isang punong kahoy
Kapag sila’y natuyo na-kusa silang
Babagsak sa lupa’t doon mananahan…
(Tag-alog version for the poem 'A Dry leaf') .
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem