Unang Ulan Poem by Minerva Agriam

Unang Ulan

Gusto kong gumawa ng tula,
Tula na naglalarawan ng kalikasan.
Bawat galaw, katahimika't kagandahan,
Mga kaganapa't pagbabago ng mga nilikha;
Malaysng nakahimlay na ayun
Sa mapagmahal na 'Puno't Dulo' ng lahat na ito.

Inundayan ng kasaganaa't pahintulot
Nang mapagmahal na Puong Maykapal.
Unang ulan ng Mahal na Araw,
Di man pangkaraniwan ikaw ay
Pilit tangapin, pasalamatan
Nitong tigang na puso na sa iyo
Ay uhaw na uhaw na naghihintay,
Sa isang sulok lang nakatago.

Ang pagnanasa na makamtan,
Ang matatamis na oras na kita'y
Makasama at makaramay,
Sa mga luha ng pagdalamhati at ngiti ng pagbubunyi.
O, unang ulan ng Mahal na Araw, ulan na sadyang
Nakapadalang kung mayron man. Di man inaasahan
Ika'y dumating, dinilig ang tigang na damdamin.
Sa pagmamahal mong mahamyos,
Halik sa pisngi nitong maladesyirtong





(3/04/03. 2: 45 p.m)

Monday, December 26, 2016
Topic(s) of this poem: rain
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Minerva Agriam

Minerva Agriam

Dumingag, Zamboanga del Sur
Close
Error Success