Wag Mong Pilitin. Poem by haidee blanche

Wag Mong Pilitin.

May masasamang epekto

Ang mga bagay na pilit

Kahit maliit

At kahit sinong tamaan ng hagupit.



Dumudurog sa damdamin ng mga dayo

Hanggang tila abo ang di mapulot na mga piraso

At ang mga tila-abong gaputol ng dayong takas

Liliparin pabalik sa mga oras,

na napakasalimuot ding lumipas…



Oras kung saan masmabilis pa sa pagdating

Ng mga titik b, a, w, a, l, mula sa aking panig

Ang mga katagang “kasama ko siya, ”

Na patay-malisyang namutawi sayong bibig.



Marahil sinasalamin na ni tadhana,

Batay sa nakaraang marerepaso niya,

ang simple at malupit na h i n d i,

dahil sa ating mga pilit na bahagi.



Ang mga bagay na pilit

Ang sasagot kung bakit

Hanggang ngayon pasaglit-saglit

Hanggang ngayon takot lumapit.


March 16,2008

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success