Walang Hanggang Poem by Minerva Agriam

Walang Hanggang

Hanggang sa panaginip na lang
Ba kitang makita;
Di na ba and talaga ako
Dapat aasa;
Na ang isang katulad
Mong pagkatao;
Ay maaari kong kausapin at
Sa lahat na oras;
Na gugustuhin kong
Makita ka;
Ay nariyan ka;
Para sa akin lang?

Walang hanggang
Nslang ba;
Mananabik sa mga oras
Na ika'y kasama;
Kapag nanduon ka naman
Walang imik;
Tahimik na nakamasid
Sa mga pangyayari;
Katatawa at kakaiba
Sa aking panlasa;
Wala bang hanggang
Ang aking paghihintay?


(6/01/03. 2: 35 p.m)

Monday, December 5, 2016
Topic(s) of this poem: memory
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Minerva Agriam

Minerva Agriam

Dumingag, Zamboanga del Sur
Close
Error Success