Fritz Jonson

Fritz Jonson Poems

Mahal gusto kong simulan sa "PINAPALAYA NA KITA"
Hindi dahil ayoko na, hindi dahil napagod na alam ko kasing dito ka sasaya.
Pinapalaya na kita kasi alam kong hindi kana masaya, alam kong ako nalang yong tipong lumalaban para sating dalawa.
Mahal, gusto kong magalit, gusto kong sumbatan ka kaso mas gusto kong alalahanin ang mga magandang alaala nating dalawa kesa sa mga mali mo na hindi na maitatama pa.
...

The Best Poem Of Fritz Jonson

Pinapalaya Na Kita

Mahal gusto kong simulan sa "PINAPALAYA NA KITA"
Hindi dahil ayoko na, hindi dahil napagod na alam ko kasing dito ka sasaya.
Pinapalaya na kita kasi alam kong hindi kana masaya, alam kong ako nalang yong tipong lumalaban para sating dalawa.
Mahal, gusto kong magalit, gusto kong sumbatan ka kaso mas gusto kong alalahanin ang mga magandang alaala nating dalawa kesa sa mga mali mo na hindi na maitatama pa.

Ang bigat mahal kasi 10 years tayung nag sama.10 years kong pinag laban ang pag sasama nating dalawa na akala ko pang habang buhay na.
May mga bagay lang talaga siguro na kahit ilang beses mo pang ipag laban o kahit gano ka gusto mong lumaban diparin sapat para maging masaya kayong dalawa.
Hindi ko alam mahal kong nag sawa ka or sadyang napagod kana.
Mahal, alam mo naman siguro na ikaw yung una.14 palang ako nung una tayung nagka kilala. Sobra kitang minahal na halos pinili kita kesa saking pamilya. Sana mahal maging masaya ka. Please mahal kong dumating man ang araw na magsisi ka, wag mona akong hanapin pa kasi hinding hindi na maibabalik kong ano man ang meron sating dalawa.
Hanggang sa huli nating pagkikita. Maging masaya ka sana kahit hindi na ako ang rason para muli kang tumawa. Paalam mahal hanggang sa huli nating pagkikita.

Fritz Jonson Comments

Fritz Jonson Popularity

Fritz Jonson Popularity

Close
Error Success