Let it go, let it go
Can't hold it back anymore
Let it go, let it go
Turn my back and slam the door
...
Bakit namamalo si Miss Uyehara?
May mga notebook bang lumilipad?
Bakit masakit sa ulo ang Mafhemafics?
Ano ang sikreto sa pagkakaibigan nila Pepe at Tagpi?
...
Minsan nanghihinayang ako pag naiisip kong kaya lang ako hindi nagka-award noong high school graduation e dahil sa tardiness ko.
...
MALING PARAAN
NG PAGTANGKILIK KAY BO:
- Pag-iidolo
- Pagpapa-autograph
...
GAWAING PANSANAY
1. Basahing mabuti ang nasa ibaba at ayusin ayon sa pagkakasunud-sunod ng pangyayari:
...
Loving him is like driving a new Maserati down a dead end street
Faster than the wind
Passionate as sin, ended so suddenly
Loving him is like trying to change your mind
...
Nakadalawang taon ako sa college, isang semester sa isa pang college, at muling tumatakbo para sa two-year course sa isa na namang eskuwelahan. Sa kabila ng paglunok ng pride, pag-amin sa pagkatalo, at pagtanggap sa katotohanang 'vocational lang' ang binagsakan ko, aaminin kong langit ang bago kong eskuwelahan.
Maliit lang 'yung building. Nasa isang floor lang ang buong 'campus'. Walang basketball court, gym, quadrangle, mga puno, drinking fountain, audio-visual room, at student council. Miniature version din ang canteen, clinic, library, faculty room, at restrooms. Hindi tatagal ang claustrophobic.
Pero sa eskuwelahang ito ako nakapagpahinga. Kahit medyo kapos sa sense of humor ang mga estudyante, hindi ka naman pahahanginan ng mga kuwento tungkol sa kotse nila. Mapapailing ka minsan sa lectures ng ibang instructors, pero ayos pa rin dahil lagi silang may oras para sa'yo, hindi ka magmumukhang naghahabol sa Hollywood superstar pag may kailangan ka. Lahat ng tao pwedeng kausapin, approachable, at accommodating.
Pero hindi pa tapos ang laban.
...
Verse 1 - Harry
Written in these walls are the stories that I can't explain,
I leave my heart open but it stays right here empty for days.
...
It seems like everybody's got a price
I wonder how they sleep at night
When the sale comes first and the truth come
second
...
I used to bite my tongue and hold my breath
Scared to rock the boat and make a mess
So I sat quietly, agreed politely
I guess that I forgot I had a choice
...
Ayokong tawagin ang sarili ko na manunulat. Pag sinabi mo kasi sa mga tao na 'writer' ka, kadalasan makakatikim ka ng mga tingin at panlalaki ng mata na para bagang sinabi mong kumakain ka ng bala. Akala nila kakaiba ka. Weird. Masyadong matalino o kaya sobrang yaman. Tapos susundan pa yon ng tanong kung saan ka sumusulat, na pag sinagot mo ng pangalan ng dyaryong di kilala o magazine na kakaiba ang pamagat, e ikakakunot ng noo nila at ikakatapos ng maikling kumustahan.
Hindi naman ako mahilig magsulat. Mahilig lang siguro talaga ako magkwento, mula pa pagkabata. Natatandaan ko pa kung paano ko ikinuwento sa mga pinsan ko dati sa probinsya ang original na series ng The Avengers. Lahat kami nakahiga sa kahoy na sahig, kanya-kanyang puwesto. Wala pang kuryente sa probinsya namin noon kaya pinagtiyagan nila akong gawing TV. Dilat na dilat ang mga mata nila, at panay ang tanong sa akin na akala mo e nakapag-time travel sa future dahil nakakapanood ng TV sa Maynila. Kaya talagang kinukumpleto ko ang kwento ko, kasama pati mga commercials at side comments ng mga kapatid kong biktima rin ng TV. Nasa kindergarten pa lang ako noon.
Pagtapak ng elementary, nalibang naman ako sa mga tau-tauhan. 'Yung 1 gallon na lalagyan ng peanut butter ang pinupuno ko dati ng mga sari-saring tao, hayop, at robot; lahat ginagawan ko ng kwento base sa mga cartoon ng Saturday Fun Machine sa channel 9. Pag kailangan ko ng mga 'kalaban, ' kumukuha lang ako sa mga display naming figurines. Kahit ceramic na pusa o kahoy na elepante, okay lang. Walang hindi pwede. Pati ash tray at mga bote ng softdrinks (may sari-sari store kami) isinasali ko sa laro. Pag masyadong malalaki ang mga nadadampot kong props, itinuturing kong higante. Pag masyadong maliliit, dwende.
Hindi naging mahirap sa akin ang pagsusulat ng kwento noon dahil maya-maya naman ito ipinapagawa sa eskwelahan pag tinatamad magturo ang teacher: 'Class, isulat n'yo kung ano ang ginawa n'yo noong nagdaang bakasyon.'; 'Class, isulat n'yo kung anong mga regalo ang natanggap n'yo nung Pasko.'; 'class, isulat n'yo ang tungkol sa paborito n'yong alagang hayop.'; 'Class, isulat n'yo kung anong hayop ang nagbakasyon noong Pasko...' Sa ganitong paraan ako nasanay magkwento sa papel, na nauwi sa pagpapadala ko ng maikling kwento para sa programang Batibot noon, na hindi ko alam kung ipinadala nga ng kapatid ko dahil masyadong mababoy ang pagkakagamit ko noon sa makinilya.
...
Sa isang buwan na gaganapin ang high school reunion namin. HIGH SCHOOL REUNION. Hindi ba tumatayo ang balahibo mo pag naririnig mo ang mga salitang 'yan?
...
Unang Libro.
Di tulad ng ibang author na inuuna ang manuscript bago ang paghahanap ng publisher, inuna kong problemahin kung may publisher bang sasalo sa pagpapaguran ko. Sa isa pa at huling pagkakataon, ibinalita ko sa mailing list ng BP ang seryosong intensyon ko na makakita ng interesadong publisher. Doon sumagot sa akin ang isang empleyado ng Visual Print Enterprises (VPE) . Hulog na sana ng langit, kaso lang 'printer' sila at hindi isang 'publisher'. Malaki'ng pagkakaiba.
Pag nagpasa ka ng manuscript sa publisher, maghihintay ka lang ng isang buwan o higit pa para malaman kung pasado ang trabaho mo. Kung pasado, bukod siguro sa optional na book launching, book signing, at author's visit sa mga bookstore e wala ka nang problema. Sagot na lahat ng publisher ang gastos at trabaho sa paggawa at pagbenta ng libro mo. Manonood ka na lang ng Cartoon Network sa bahay habang naghihintay ng royalty, kung meron man. Pero kung printer ang lalapitan mo, sagot mo lahat ng gastos sa sakit ng ulo. Para ka lang talaga nagpa-'print'. Pag buo na ang libro mo, malaya ka nang magtinda nito sa mga bangketa sa Quiapo. Wala kang kahati sa kita. May control ka pa sa lahat ng aspeto ng libro dahil walang magdidikta sa'yo kung paano ito gagawing mas mabenta. Para ka ring nag-produce ng pelikula kung saan ikaw ang bida-at walang masama doon! Lalo na kung maraming tao ang totoong naniniwala at bilib sa galing mo. Kahit yung mga kalaro ko dati sa patintero (sina Edger Allan Poe, Thomas Paine, D.H. Lawrence, Walt Whitman, Virginia Woolf) e kumagat din sa self-publishing. Ang totoo n'yan, maraming bestseller at sikat na libro ang self-published: The Tale of Peter Rabbit, Tarzan of the Apes, Wizard of Oz, Huckleberry Finn, The Bridges of Madison County, The Celestine Prophecy, Chicken Soup for the Soul, Elements of Style, What Color is you Parachute? , Rich Dad Poor Dad, at pati ang Legally Blonde na kelan lang e ginawang pelikula-yan at marami pang iba-nag-umpisa bilang mga self-published books. Yun nga lang, kung hindi ka man intellectual stuntman na may maisusugal na pera at talento, iba pa rin talaga yung dumaan ka sa hatol ng isang publisher na handang magtaya ng malaking pera dahil sa kumpiyansa n'ya sa trabaho mo.
May nahiram akong maliit na halaga noon sa mga magulang ko, back-up kung sakaling papatol ako sa self-publishing. Pero nagamit ko yon sa ibang bagay, kaya publisher na lang talaga ang pag-asa ko. Sa kabutihang palad, tiniyak naman sa akin ng VPE na handa silang maging publisher para sa libro ko.
...
DEPIR
Alam ko, wala akong gaanong naikwento tungkol sa mga barbero sa librong 'Mga Kwentong Barbero.' Kaya nga kung uupo ka na ngayon sa barber's chair e uumpisahan ko na ang gupitan para di sayang ang oras.
Hindi ko alam sa mga batang babae, pero ang batang lalake, sa sandaling tubuan ng buhok kahi na kasinghaba pa lang ng mga himulhol ng damit, e pinagdidiskitahan na kaagad gupitan ng mga sabik na magulang.
Mommy: Honey, tignan mo, may buhok na si Junior!
...
Wala akong hinahabol na libro sa parehong paraan na wala rin akong iniiwasan. Ibig sabihin nagbabasa rin ako ng mga
...
Samantala, kung ang mga Pinoy ay may Carabao English, ang mga Amerikano naman ay meron ding 'Thigalog' language. Eyno men eng seybihen neyla, genitow eng keynalalabasan.
...
(Verse 1)
Heart beats fast
Colors and promises
How to be brave
...
Nakikita rin ng manunulat ang sarili n'ya bilang hunter na nanghuhuli ng mga salita sa halip na hayop. Ang bawat nahuhuli n'ya, isinasalpak sa papel.
...
Easy come, easy go, that's just how you live
Oh, take, take, take it all but you never give
Should've known you was trouble from the first kiss
Had your eyes wide open, why were they open?
...
Ang Paboritong Libro Ni Hudas - Bob Ong (Part 1)
A
NG
PABORITONG
LIB
RO
NI
HU
DAS
BOB ONG
< ' > PATAY NA 'KO? ! ? !
<.- -.> Ilang beses mo bang gustong marinig ang 'oo'? Kung may bayad ang bawat tanong, mayaman na 'ko.
< ' > Totoong patay na 'ko? ? ?
<.- -.> Bawal magsinungaling dito.
< ' > Pero bakit...
< ' > Sino'ng...
< ' > Paanong...
< ' > Asaan ako?
< ' > Sino ka?
<.- -.> Patay ka na.
<.- -.> Nasa lugar ka ng mga patay.
<.- -.> Receptionist ako sa lugar ng mga patay.
<.- -.> May tanong ka pa?
< ' >.
< ' >...
< ' >..
< ' > Paano na ang mga anak ko?
< ' > H-hindi ko naman talaga gustong-
<.- -.> Maayos ang buhay nilang lahat. Nagpakasal ulit ang asawa mo. Nasa Amerika na ang bunso mo. At kakapanganak lang sa ikatlo mong apo sa tuhod kanina habang nagsasalita ka.
< ' > HUH? ! ? !
< ' > Kakamatay ko pa lang ah? !
<.- -.> Mag-iisang oras ka na dito.
< ' > Alam ko! ?
<.- -.> Dito...pero sa lupa, higit apat na dekada ka nang patay.
< ' > Pa'no nangyari 'yon?
<.- -.> Ang isang araw dito, isanlibong taon sa lupa.2049 na. Kung binabasa mo yung handout na ibinigay sa 'yo sa halip na tanong ka nang tanong, kanina pa dapat malinaw sa 'yo ang lahat.
< ' > Pero...hindi...niloloko mo ba ako? ?
<.- -.> Minsan gusto kong sumagot ng 'oo' pag tinatanong ako ng ganyan.
< ' > Pero...bakit...paanong...? ? ?
<.- -.> Tignan mo.
< ' > Ano 'yan?
< ' >...
< ' > Huh?
< ' >.
< ' >! ! !
< ' >..
< ' > Saan 'yan?
<.- -.> Sa Pilipinas.
< ' > E bakit ganyan 'yan? Sino 'yan?
<.- -.> Si Marvin.
< ' > Marvin?
<.- -.> Marvin. Marvin Agustin.
< ' > Yung artista? Matanda na? Ano'ng ginagawa n'ya d'yan?
<.- -.> Presidente s'ya ng bansa mo.
< ' > Huh? ! ! !
<.- -.> Ayos naman ah! Gusto nga s'ya ng mga tao e.
< ' > E sino 'yan - asawa n'ya?
<.- -.> Saan?
< ' > Ayan, sa kanan.
<.- -.> Ah, vice president 'yan.
< ' > Sino'ng naging vice president? ?
<.- -.> Si Tootsie Guevarra. Yung magaling kumanta.
< ' > Huh? ! ?
<.- -.> Anong 'huh? ! ? ' Ayos nga sila e. Iniahon nila ang 'Pinas sa kahirapan.
< ' > Ano'ng ibig mong sabihin?
< ' > Nasaan na si GMA?
<.- -.> Matagal nang wala si Macapagal.
<.- -.> 2049 na. Wala nang utang ang Pilipinas sa ibang bansa!
< ' > Talaga?
<.- -.> Hay naku! Wala ka pala talagang alam e.
< ' > Bakit, ano pa ba ang mga nangyari?
<.- -.> Balik na ulit ang Pilipinas sa mapa. Mayaman at respetado na ulit ang bayan mo.
< ' > Talaga? Hehe....
<.- -.> Oo, ang ingay mo kasi kanina e...di ko nga masyadong naintindihan yung speech ng Papa sa Roma...papapanoorin dapat kita.
< ' > O, may ano?
<.- -.> Pilipino ang bagong Papa.
< ' > Huh?
<.- -.> Nanonood ka ba ng MTV?
< ' > Hindi.
<.- -.> Ng That's Entertainment?
< ' > Hindi rin. Bakit?
<.- -.> E hindi mo pala kilala.
< ' > Sino?
<.- -.> Yung bagong Papa.
< ' > Ano ba'ng pangalan?
<.- -.> Pope Rose I
< ' > Sinong Pope Rose I?
<.- -.> Hindi 'yon ang totoo n'yang pangalan, pero artista s'ya dati.
<.- -.> Donita Rose yata ang screen namae n'ya e.
< ' > Si Donita Rose? ? ? Yung VJ - naging pope? !
<.- -.> Oo - galing, 'no?
<.- -.> Nga pala, alam mo bang pwede na ngayong mag-asawa ang pari?
< ' > Huh?
<.- -.> Pwede na, basta madre ang mapapangasawa, para hindi raw lumabas ang pera ng simbahan. Ayos, 'no?
< ' > Ganyan na ba ngayon sa lupa?
< ' > Hmmm....
< ' > Pero kung tutuusin, okay!
<.- -.> Oo naman!
< ' > Sandali, wala na bang krimen?
<.- -.> Nabawasan, kahit papa'no. Nakikita mo 'yang babaeng nasa tabi ng driver?
< ' > Alin?
<.- -.> 'Yan, yung nasa jeep na neon.
< ' > O, ano? _Ayos yung jeep ah!
<.- -.> Nakikita mo yung hawak n'yang cellphone?
<.- -.> XC90 'yan!
< ' > Ano'ng XC90?
<.- -.> 'Yan ang cellphone ngayon ng masa. May laser gun 'yan, at protektado ng magnetic shield ang may-hawak.
< ' > Hahaha...tangna, astig! 'Tanging Yaman'
<.- -.> Tsaka nakita mo yung mga naka-barong kanina na walang kamay?
< ' > Oo.
< ' > Itatanong ko nga dapat sa 'yo kung bakit gano'n e.
<.- -.> Mga kongresman 'yun na nangupit sa kaban ng bayan.
< ' > Huh? !
<.- -.> Oo, pinuputulan kasi ng kamay ang mga corrupt officials para hindi na umulit. Okay nga e.
< ' > Kelan pa?
<.- -.> 'Tagal na 'yon...panahon pa ni President Sin 'yon e.
< ' > Si Sin? - yung Cardinal? ? ?
<.- -.> Oo...bakit? Gusto ko nga 'yun e. Magaling din. Pinagawan n'ya pa ng replica yung Bundok Banahaw sa Nayong Pilipino.
< ' > Bundok Banahaw?
<.- -.> Oo.
<.- -.> Ay! Oo nga pala, hindi mo alam...wala na kasi yung Bundok Banahaw. Banahaw Mall na ngayon. Hahaha!
< ' > Ginawang mall? ! ? Sira ba ulo nila? ..Ba't natatawa ka pa? !
<.- -.>Wala rin kasing nangyari e, hindi rin naman kumikita yung mall.
< ' > Syempre, sino namang gago ang matutuwa sa ginawa nila? ! 'Tanging Yaman'
<.- -.> Huh? Hindi, natutuwa ang mga tao sa ginawa nila, kaya nga lang wala nang namamasyal sa malls ngayon dahil puro TV na lang ang pinagkakaabalahan ng mga tao.
< ' > TV? Ano'ng meron?
<.- -.> Telenovela.
< ' > Huh? MERON PA RING TELENOVELA HANGGANG NGAYON?
<.- -.> Uy, mas magaganda na ngayon ang mga telenovela kesa nung kapanahunan mo: Nasa Puso Ko, Ikaw Ay Akin, Mahal Na Mahal, Tayo Ay Iisa, Mahal Kita, Sa Piling Mo, Ang Mahalin Ka, Lumayo Ka Man, Tunay Na Mahal, Tayong Dalawa, Mahalin Mo Ako, Tanging Ikaw Lang, Pagmamahalan Natin, Ikaw At Ako...nakalimutan ko pa yung iba e, pero magaganda mga kwento n'yan!
< ' > 'Yan ang mga programa ngayon? ARAW-ARAW? ! ? !
<.- -.> Araw-gabi. Saya nga eh!
< ' > Walangya! 'Tanging Yaman'
< ' > Ano ba 'yan...bakit laging tumutugtog yung Tanging Yaman? Kanina ko pa naririnig 'yan e, paulit-ulit!
< ' > At saka nagkakalimutan, marami akong tanong sa 'yo ah, bakit ayaw mong sagutin?
< ' > At sino ka ba? ? ?
VENY
Isang linggo na 'ko dito ngayon sa Baguio. Nagsusulat. Payapa ang kalooban. Puti ang labi. At itim ang mga kuko dahil sa ginaw. Ayos naman ang naging biyahe ko. Katabi ko sa aircon bus ang lalakeng wiling-wili sa pakikipagkwentuhan sa kaibigan n'ya tungkol sa isang bus na nabangga at nalaglag sa bangin. Anim na oras ang biyahe. Anim na araw kung nasakyan mo yung bus na nasakyan ko. Meron kasing stop-over sa tuwing makakabasa ng 'eatery' sa daan yung driver.
Alam mo ang gusto ko sa Baguio, masyadong makapal ang hamog sa daan. Hindi kita ang bangin. Hindi ka malulula dahil hindi mo alam kung mamamatay ka na. Hihintayin mo na lang kung ang sasalubong sa bus n'yo e mga taga-Department of Tourism o pulutong ng mga nagkakantahang anghel.
Masarap maghanap ng lugar na matutuluyan dito sa Baguio, lalo na kung bobo ka sa direksyon, tulad ko. Pag naligaw ka kasi dito, hindi lang basta kanan-kaliwa ang balikan, kundi taas-baba. Mumurahin ka ng mga paa mo. Kakapusin ka ng lakas kahit uminom ka pa ng Motolite. Hindi uubra dito yung mga tatlong oras na lakaran na ginagawa mo sa Maynila tuwing strike ang mga jeep.
Pero di naman nagtagal at nakakita rin ako ng matitirhan. Dahil masyadong interesante, itatago ko na lang ang nasabing hotel sa pangalang 'Bahay ni Lolo.' Nakita ko ito sa tuktok ng isang bundok. Natawag ang pansin ko dahil sa 'Monthly Rate' na nakasulat sa karatula nila. Ayos. Tumuloy na 'ko sa loob. May dalawang occupant pa na nasa pintuan, tanda na 'mabili' nga ang nasabing hotel. Pero pagpasok ko, napansin ko kaagad ang ambiance nito na medyo...um, 'archeologic' ang dating. Nginitian ko ang receptionist, sabay tanong: 'Ano ho ba ang 'most affodable' n'yong kwarto? ' May 50's na salamin sa mata,50's na pumada, at 50's na mukha ang matandang lalake na kausap ko. 'Ha, ha...' tumawa s'ya na parang nanlilibak. 'Most affordable.' Inulit n'ya. Di ko alam kung wrong grammar ako. Palagay ko nga...dapat yata 'most affordest'. Kumuha s'ya ng papel at ballpen. Kinabahan ako, akala ko meron pang entrance exam. Inilista n'ya ang rate kasabay ang paliwanag: '4,000 ang kwarto. Plus 2,000 deposit. Plus 500 kung gusto mo ng cable TV. Plus 500 kung gusto mo ng LPG tank. Plus 500 na bayad sa maglilinis ng kwarto pag-alis mo.'
Whoa! Matindi si lolo.500 pesos para sa paglinis ng kwartong isang buwan ko lang naman tinirhan? ! ? Hindi naman ako magkakatay ng dinosaur para dumumi 'yun ng ganoon! Pero iniabot n'ya kaagad sa akin ang susi ng kwarto. 'Eto, silipin mo yung room 201.' Kapansin-pansin ang laki ng keychain. Rectangular na kahoy na hindi mo pwedeng ibulsa. Kung dadalhin mo 'yun sa grocery shop e tiyak na papakiusapan ka ng guard na i-deposit 'yon sa baggage counter.
Tinakbo ko ang hagdanan, parang booby trap ang bawat baitang. Makunat at parang bibigay anumang oras. Nagdahan-dahan ako, pero pagdating sa taas e muntik akong gumulong ulit pababa sa sobrang gulat. Holy smokes, nasa bahay ako ni Dracula! Isang 'abandoned' room ang nakita ko. Sabog-sabog ang mga gamit. May dalawang sofa na matanda pa yata kay Manuel L. Quezon. May fireplace na mukhang sumisindi mag-isa. At may mga life-size na rebulto ng iba't-ibang klase ng aso sa maalikabok na sulok. Hindi ko makita ang room 201. Tinignan ko ang isa pang hagdan paakyat. Hindi ko kaagad naisip na pwedeng akyatin 'yon dahil may nakaharang na dalawang 'aso' sa unang baitang, parang 'off-limits', pero inakyat ko pa rin. Pagpasensyahan mo na kung gagamitin ko ngayon ang salitang mabiling-mabili sa kabataan - Shit! Walang ipinagkaiba ang '3rd floor', nakatayo pa rin ang balahibo ko sa buong katawan. Tahimik ang lugar, may kadiliman, walang tao. Pero nakita ko ang room 201. Ipinasok ko ang susi sa doorknob at binuksan ang pinto, nakahanda sa kirat na kuba na sasalubong sa akin. Wala naman. Pero nakahanda pa rin akong makakita ng pugot na ulo nang buksan ko ang refrigerator sa loob ng kwarto. Wala rin. May heater sa bathroom, pero sa switch pa lang ay alam ko nang ikakukuryento ko 'yon. Nag-isip ako, pero hindi masyadong matagal dahil ayokong abutan ng dilim sa loob ng Bahay ni Lolo. Lumabas ako ng kwarto at naglibot sa hallway. May fortune plant sa gilid ng pinto ng bawat kwarto, lalo lang nagpapadilim sa lugar. Kinumbinsi ko ang sarili na lakarin ang dulo ng hallway at pakinggan kung may mga demonic worship at sacrifice na nagaganap sa ibang kwarto. Wala naman. Pero napansin kong marami sa mga kwarto ang naka-padlock. Dalawa lang ang ibig sabihin: (1) Walang tao at hindi pa ito okupado, o (2) Ikinulong ng may-ari sa loob ang mga occupant para ialay sa mga kampon ng kadiliman pagdating ng alas-dose ng gabi.
Hindi na 'ko nagtagal. Bumaba ako at iniabot kay lolo ang jumbo keychain. Di na ako nagpaliwanag. Di na rin s'ya nagtanong. Parang sanay na sanay na s'yang tanggihan ng tao. Nilisan ko na ang lugar bago ko pa makita doon si George Estregan na nakasuot-Drakula, kasama ang mga zombie na kinalaban nila Estong Tutong. Alam kong masyado akong 80's, pero totoo lahat ng sinabi ko. At maniniwala ka ba na nang ikinuwento ko ito sa mga taga-Baguio e wala sa kanilang nakakaalam kung saan ang Bahay ni Lolo, hindi nila kilala ang kalye kung saan ko ito nakita, at wala rin ito sa mapa?
Halata bang nasobrahan ako sa pagbabasa ng Hiwaga Komiks?
[Cue X-Files theme here.]
Halos isang dekada na ang nakakaraan nang una akong magulantang sa isang bagay na nakita ko sa TV - ang palasyo ni Michael Jordan!
Biruin mo, posible pala sa mundo na magkaroon ang isang tao ng bahay na may tournament-size tennis at basketball court sa bakuran. At gulat na gulat na ako sa lagay na 'yon, hindi ko alam na halos pangkaraniwan na lang pala ang mga gano'ng karangyaan sa mundo ng mga sikat at mayaman. Dahil kung ikukumpara sa bahay ng TV producer na si Aaron Spelling, sisiw pa pala ang bahay ng batikang basketbolista. Mas malaki ang bahay ni Spelling. Meron itong sariling sinehan, doll museum, gymnasium, Olympic-size swimming pool, bowling alley, skating rink, six gardens,12 fountains, four bars, three kitchens, at garahe para sa labing-anim na sasakyan. Walangyang bahay! Sa sobrang laki pwede nang gawan ng sariling time zone. Pero katulad ng sinabi ko, pangkaraniwan lang ang mga ganyang bahay sa mga makapangyarihan. Dahil ang bahay naman ni Bill Gates, na kinikilala ngayon bilang 'Most Intelligent House, ' ay nagkakahalaga naman ng $55 million dollars. Ang mga taong pumapasok dito ay binibigyan ng electronic PIN na dini-detect ng sensor sa bawat sulok ng bahay. Sa ganitong paraan, naise-set ng bisita ang mga appliances na gusto n'yang automatic na aandar pag pasok n'ya ng anumang kwarto. Para nga naman hindi na sumakit ang mga buto nila sa pagsasagawa ng nakakahingal na trabaho gaya ng pagpindot sa mga feather-touch remote control.
Nakaklula talaga ang bahay ng mga sikat. Isipin mo, kwarto na 'club' ang dating, kusina na parang hotel lobby, bakuran na may sinehan, at kubeta na mukhang cathedral. Maski yata si Kamatayan hindi makakatapak sa mga bahay na 'yon nang walang I.D. Minsan iisipin mo rin, anong klaseng trabaho ba meron ang mga taong 'yon para kumita ng ganoon kadaming pera? Parang gusto kong mag-apply sa kanila ng trabaho...kahit man lang bilang anino.
Sa ipinalabas na listahan ng Forbes ng mga pinakamayamang tao sa taong 2002, pumupwesto sa bandang gitna si Lucio Tan sa net worth na $1.7 billion. Ibig sabihin, pwede s'yang magpagawa ng tatlumpung 'Intelligent Houses, ' at meron pa s'yang sukli. Magbigay ng 1,147.50 pesos sa bawat Pilipino. Mag-text nang mag-text walang tigil sa loob ng isangdaan at apatnapu't-pitong siglo. Bumili ng 45.9 metric tons ng shabu. Gumawa ng pelikulang 'Jose Rizal' nang walongdaan at limampung ulit. Bilhin sa halagang $1,603,773.58 ang bawat pares ng sapatos ni Imelda Marcos. Ipakasal sila Jackie Ejercito at Beaver Lopez nang anim na libo at walongdaang beses. Magpasweldo ng apatnapu't-dalawang dosenang koponan ng PBA sa loob ng limang taon. At bilhin lahat ang winning combinations ng lotto para manalo ng jackpot nang anim na raan at limapu't-anim na beses.
Kung uubusin mo ang pera n'ya sa loob ng isang araw, dapat kang gumastos ng 983,700 pesos kada segundo. Kung pagpapatung-patungin ang $1 bills n'ya, hihigitan nito nang 768 na ulit ang taas ng Philippine Bank of Commerce sa Makati. Matatakpan ng 162 na ulit ang land area ng Megamall. At aabutin ang isang tao ng dalawampu't-anim na taon para maisalansan lahat ito sa sahig.
Pero kung inaakala mong kay Lucio Tan ko isasanla ang kaluluwa ko, nagkakamali ka. Dahil kahit na tumubo pa ng 100percent ang pera n'ya kada taon, kailangan n'ya pa ring maghintay ng tatlong dekada para mahigitan ang kasalukuyang net worth ng pinakamayamang tao sa planeta - si Bill Gates. (Note: Sa limang minutong iginugol mo sa pagbabasa nito, nadagdagan na naman ng $17,525.65 ang kaban ng kayamanan ng dating CEO ng Microsoft.) (Second Note: Magdasal ka para labanan ang demonyo. Alam ko ang iniisip mo sa mga sandaling ito...malaking pagkakasala 'yan sa Diyos!)
Ibinalik na pala ang Superfriends sa TV, pero Justice League na sila ngayon. At bawas na sila. Marami nang superheroes ang nawala. Laid-off. Kung kelan mas kailangan ng mundo ng mga tagapagligtas. Hindi ko gusto ang Justice League. Lalo na ang X-Men. Solid ako sa Superfriends. Walang iwanan.
Ang alam ko kasi dati, caucasian si Green Lantern. Pero sa Justice League, African-American s'ya. Ano 'yun - lokohan? Pwede bang maging itim ang dating puti? Sino ang susunod na magpapalit ng lahi at magkakakulay, si Benjamin Franklin?
Nakasama rin pala sa cast si Hawkgirl. Pero nasaan si Hawkman? Inilagay na ba sa arrozcaldo? Kaya lang naman nagkaroon ng Hawkgirl e dahil may Hawkman. Sumama na ba si Hawkman kay Robin na isa pa ring missing in action? Sino na lang ang magbibigay ng mga bagong damit, relo, at sapatos kay Batman ngayong wala na si Robin? At sino ang nag-vote off kay Aquaman? Sino pa ang aasahan nating ngayon na magliligtas sa mga hipon na pinagsasamantalahan ng mga balyena? Nasaan na ang Wonder Twins? Ano na ang nangyari kay Apache Chief? At higit sa lahat, bakit nila pinaalis sa grupo ang kaisa-isang Asian superhero na hindi ko nga alam ang pangalan? ! Nasaan ang justice at equality doon? ? ?
Bubuo lang sila ng grupo ng mga best of the best, sablay pa! Pero kung sa bagay, mahirap nga 'yon. Dahil mismong yung mga imaginary super humans na ginawa nila e may problema. Tignan mo: Bakit halos lahat ng lalakeng superhero e naka-tights? Bakit kailangan nila ng kapa? Bakit nasa labas ang briefs nila? At anak naman ng tiyanak, bakit hindi sila gumamit ng brief na ayos pa ang garter para hindi na nila ito sinturunan?
'Yan ang problema ng mga western superhero na napansin yata at iniwasan na ng mga Hapon nang sila naman ang gumawa ng mga kathang-isip na tagapagligtas. Sa una pa lang, inisip na nila na kung magta-trabaho ang kanilang superheroes bilang isang grupo, importanteng meron silang prescribed uniform. Pantay-pantay sila, walang magsusuot ng kapa at aastang hari tulad ni Superman. Walang may bitbit na sidekick tulad ng Robin ni Batman. Walang amoy asin tulad ni Aquaman. At walang Mr. and Mrs. na kakain ng dalawang paycheck tulad nina Hawkman at Hawkgirl.
Nung una e puro nakaitim lang at parang laging makikipaglibing ang mga Japanese superheroes, pero naisip yata nila na kakailanganin ng bawat isa ang pangalan. At magkakakila-kilala lang sila sa ilalim ng uniform at maskara (o helmet) kung meron silang palatandaan sa kasuotan. Doon nila naisip na mag-color coding: red, green, blue, yellow, at pinl. Eureka! Two-birds in one stone. May sarili na silang identity dahil sa kulay, may sarili pa silang pangalan. Dadagdagan lang ng 'noun' ang 'color', superhero na sila. Halimbawa: Blue Lion, Pink Ranger, Red Star, Yellow 4, at Green Joke. Sa ganitong paraan, maiiwasan nila ang mga limitado at gasgas na pangalan na mabubuo sa mga salitang Super, Wonder, Mighty, Man, Woman, Girl, Boy, at Dog, na paborito naman ng mga kanluraning bansa.
Pero hindi pa tapos! Dahil tulad ng mga puti, may value-added service lagi ang mga Hapon. Sa oras ng matinding pangangailangan, pwedeng magsama-sama ang limang superhero para bumuo ng isang higanteng robot na kayang pumuksa ng mga higanteng kuto, linta, bagoong, biskwit, at alikabok. Mismo. Hindi lang 'yan, dahil bago sila makipaglaban, lagi silang may formation. Haharap sila sa camera para sa ritual na group photo opportunity, parang pang-class picture. Alam na nila kung sino ang pupwesto sa kanan, kaliwa, gitna, taas, at baba, at kung sino ang mag-i-isplit, sisipa, tatalon, susuntok, at susungayan sa ulo. Systematic. Very organized. Ang nakikita ko lang na kahinaan ng Japanese superheroes e lagi silang nakaasa sa mga subtitles at voice talent ng magda-dub sa mga sinasabi nila. Pero okay lang 'yun. Idol ko pa rin sila. Dahil kahit sa mga anime, mas okay ang costume nila Eugene na parang laging a-attend ng rave party, kesa kila Superman na parang laging a-attend ng aerobics class.
Walang-wala ang mga 'Kano sa imahinasyon ng mga Hapon. Tignan mo na lang si Astroboy. Sabihin mo - SINO - sa buong kasaysayan ng Amerika - ang superhero na may machine gun sa pwet? Wala. Kung may kinalaman ito sa trauma ng mga Hapon noong ikalawang Digmaang Pandaigdig e hindi ko alam, pero sigurado akong hindi ko ipagpapalit si Astroboy sa sandosenang Justice League. Kung magiging superhero ako, gusto ko maging tulad n'ya. At kung kakapusin man ako ng lakas, papapanoorin ko lang ang mga kalaban ko ng possessed na video ni Sadako, na magiging dahilan ng kamatayan nila pagkalipas ng isang linggo!
< ' > Ba't ayaw mong magpakilala?
<.- -.>..
<.- -.>...
<.- -.>.
< ' > Sino ka?
<.- -.> Sandali...
< ' > Bakit ayaw mong sumagot?
<.- -.> Ssshhh!
<.- -.> 'Wag kang maingay.
<.- -.> Hindi mo ba naririnig?
< ' > ANG ALIN? ? ?
<.- -.> SSSSShhhhh! ! ! Sinabi'ng 'wag maingay e. Pakinggan mo.
< ' > Eh wala naman akong nariri-
< ' > Sino 'yun?
<.- -.> Hehehe...
< ' > Tao ba 'yun?
<.- -.> Oo...nagdarasal.
< ' > Hindi ko naman maintindihan yung sinasabi e!
< ' > Ba't ka tumatawa?
<.- -.> Tignan mo naman magdasal...humihiling na panalunin ko sila sa basketball game.
< ' > O, ano namang masama do'n?
<.- -.> 'Yun din ang hinihiling ng kalaban nilang team e!
<.- -.> Ngiyahahahaha!
< ' > Hahahahaha!
< ' > Oo nga 'no!
<.- -.> Marami pa 'yan.
<.- -.> 'Yan ang libangan ko dito e...ipunin ang mga pinakanakakatawang dasal ng mga tao.
< ' > Sandali, bakit puro Pilipino ang nagdarasal?
< ' > At ba't marunong kang mag-Tagalog?
<.- -.> Gusto mo 'kong mag-Latin?
<.- -.> Hindi ako Tagalog magsalita, pero Tagalog ang lenggwaheng kayang intindihin ng utak mo kaya ang akala mo ngayon ay sa Tagalog tayo nag-uusap.
<.- -.>...Kahit na ang totoo ay mga isipan lang natin ang gumagana ngayon at wala sa ating talagang nagsasalita.
< ' > Ayos ah...high-tech!
<.- -.> Bilib ka na?
<.- -.> Eto, pakinggan mo, meron na namang nagdarasal.
< ' > Yung babaeng humihiling na sana payagan s'ya sa outing ng daddy n'ya?
<.- -.> Hindi, yung matandang mabagal magsalita.
< ' > Yung humihiling na sana tumigil na ang mister n'ya sa pambababae?
<.- -.> At?
< ' > Pagkapanalo ng kapatid n'ya sa barangay election?
<.- -.> At?
< ' > Paggaling ng asthma n'ya?
<.- -.> At?
< ' > Kaligtasan ng anak n'ya sa Middle East?
<.- -.> At?
< ' > World peace?
<.- -.> At?
< ' > Na matapos na ang pagpaparehistro ng kotse n'ya?
<.- -.> At?
< ' > Ano'ng at? Marami pa eh...
<.- -.> At ano pa nga...?
< ' > At matapos na ang hinuhulug-hulugan nilang bahay?
<.- -.> At?
< ' > Marami pa s'yang sinasabi e...
< ' > Ano'ng nakakatawa doon?
<.- -.> Wala nga. Kaya ako natatawa kasi hindi na s'ya nakakatawa.
<.- -.> Hindi naman s'ya nagdarasal e. Para lang s'yang umoorder sa waiter sa restaurant.
<.- -.> Minsan nga gusto kong humingi ng tip e!
<.- -.> Ngiyahahahaha!
< ' > HAHAHAHAHA! ! !
<.- -.> Kahapon meron ding nagdasal, umiiyak pa, sana raw pumasa s'ya sa exam.
<.- -.> Paano ko naman ipapasa, e wala naman s'yang isinagot sa mga test papers n'ya!
< ' > Hahahahaha! ! !
<.- -.> Paano ko pa s'ya matutulungan sa lagay na 'yon? Buti kung humiling s'ya ng matibay na resistensya habang naglalamay sa kaka-review. O kaya e ng konting talino para mas maintindihan n'ya ang mga pinag-aralan nila. O kaya e ng tiyaga, tibay ng loob, pasensya, o sipag...pwede 'yun, pero yung magsa-submit s'ya ng blankong test paper tapos kailangan ipasa ko s'ya, para na rin s'yang humiling na manalo sa lotto kahit na hindi s'ya bumibili ng ticket!
< ' > HAHAHAHAHA! !
<.- -.> Sandali, sandali...eto pa isa...pakinggan mo...
< ' > Yung humihiling na sana makapag-asawa s'ya ng matalino, gwapo, mabait, at mayaman?
<.- -.> Oo.
<.- -.> NGIYAHAHAHAHA!
< ' > O, ano naman masama doon?
<.- -.> E lalake 'yan eh!
< ' > BWAHAHAHAHA! ! ! ! ! ! ! ! !
<.- -.> NGIYAHAHAHAHA!
<.- -.> Waheeheeheeheee!
<.- -.> Naririnig mo ba?
<.- -.> Nyahahahaha!
< ' > Yung ale'ng humihiling na sana mamatay na yung kapitbahay n'ya?
<.- -.> OO!
<.- -.> NGIYAHAHAHAHAHAHA! ! ! ! !
< ' > HAHAHAHAHA! ! ! !
<.- -.> NGIYAHAHAHAHA!
<.- -.> Ewan ko, kaya nga 'ko tawa nang tawa, kasi naririnig ko na naman 'yan.
<.- -.> NGIYAHAHAHAHA!
< ' > Bakit, ano ba 'yon?
<.- -.> Siguro nagdarasal, pero paano ko naman s'ya tutulungan e hindi ko maintindihan kung ano ang ibig n'yang sabihin sa 'Hauuummmmmm...'?
< ' > HAHAHAHAHA! ! !
<.- -.> NGIYAHAHAHAHA!
< ' > Sakit na ng tiyan ko, mamamatay ako dito sa katatawa!
<.- -.> Ha? Patay ka na, eh!
< ' > BWAHAHAHAHA! ! !
<.- -.> NGIYAHAHAHAHA!
<.- -.> Waheeheeheeheee!
<.- -.> Nyahahahaha!