(jose_de_claro)
29April’07
Oh kapalaran ba na ika’y matagpuan,
Upang masilayan ang yong kagandahan.
Di mo masisi kung nahulog agad sayo,
Dagli mong nabihag ang puso kung bato.
Iyong ginising ang natutulog kung mundo,
At sa muling pag-ikot ay naging paraiso.
Mga pangarap ay walang katapusan,
Lahat makakamtan pag ikaw ay nariyan.
Lumalakas ako dahil sa’yo.
Tumatatag ako dahil sa’yo.
Lumulunda ako dahil sa’yo.
Lumilipad ako dahil sa’yo.
Lahat ng bagay ay kaya kung gawin,
Tumakbo, lumangoy, lumipad sa hangin.
Ano mang pagsubok ay makakayang lampasan,
Maibibigay sa’yo maging ang araw at b’wan.
Kung ang puso mo’y pag-aari na ng iba,
Di mag babago ikaw parin sinta.
Sapat na sak’in ang mapagmasdan ang yong mukha,
Masakit mang isipin, walang magagawa.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem