Ako Ay Magmamahal Muli Poem by Elj Cadz

Ako Ay Magmamahal Muli

Ang unang pagibig ay maligaya, na sa ngiti makikita na kami ay masaya ngunit di rin biniyayaan sa tagal ang aming tadhana
Sumanib ang pangalawang pagibig yun ang masarap, na parang ulam sobrang sarap, ngunit ang ulam nanlalamig din pagdating ng ulan
Umabot sa ikatatlo, halohalo ang emosyon, na doon na lahat ng sangkap, damin nga ng sweets ngunit walang baso na paglagyan, kaya natuldukan at hindi nagawan ng paraan
Sa taong ititibok, iisipin at kahati ng kaluluwa ko, aasa ako na ikaw na, na sa bawat panalangin ko na tayo na
Sa Panginoon, ikaw ay hinihintay ko na dahil hinihingi na kita matagal na

Ako ay magmamahal dahil totoo ang naramdaman ko, hindi dahil gusto ko lang o sinasatify mo ang kalibugan ko
Magmamahal ako dahil naaayon ito sa puso, isip at kaluluwa ko, dahil ito ang ibinigay ng makapangyarihang sinasamba ko
Tatangapin ko ang lahat ng hamon na darating, basta ipadama mo sa akin na ikaw ang nakatadhana sa akin
Okay lang sakin na saktan mo ko, ngunit sana sa bawat sakit nito hindi kasama ang paglisan ng pagmamahal at mga pangako mo

Magmamahal ako hindi dahil napipilitan ako o dahil tinutukso ng pamilya o kaya ng amego ko
Magmamahal ako ng tapat, walang halong biro, na kahit buhay ko may kapalit nito
Magmamahal ako higit sa pagmamahal ko sa sarili ko, na sa ginhawa ang pighati hahamakin ang pagibig mo
Tayong dalawa ay mananatiling nakatayo, nakaharap man o nakatalikod ang bawat emosyon na makatagpo

Ako ay magmamahal muli hindi dahil naiinip na akong mag isa ngunit dahil nadarama ko na totoo ang bawat isa
Ako ay magmamahal muli dahil naiintindihan ko na ang pagibig, hindi lang dahil kabisadong-kabisado ko na ito
Ako ay magmamahal na hindi planado, dahil pinalangin ko na darating ito sa sitwasyong hindi perpekto
Akoy mag mamahal dahil tanggap ko ang buong pagkatao, maging ang kahinaan at kalakasan ng taong mamahalin ko.

Ako Ay Magmamahal Muli
Tuesday, November 14, 2017
Topic(s) of this poem: modern
POET'S NOTES ABOUT THE POEM
my words are flat it themed with cold tone yet this is my story.
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Elj Cadz

Elj Cadz

Blanco, Balingasag, Misamis Oriental
Close
Error Success