Sino ba ako?
Ako ba, ang tunay na ako?
Sino kaya ang magsasabi
kung sino ako?
bakit hindi ko kilala
ang sarili ko?
bakit may bahid ng pagduda
ang pagkilanlan sa aking sarili
sa aking pagkatao?
Bakit may kakaiba
akong nadarama?
Bakit ba ang puso'y
may pangamba,
damdaming di kaaya-aya
sa kanilang pakikisama
parang hindi sila
ang siyang nag-aruga
sa akin na laman nila
Ano kaya ang kabulauhan
ng buhay ko?
Mayroon kaya?
Ano kaya ang halaga nito?
Malaki kaya?
Ano ba talaga?
litong-lito na ako,
gulong-gulo pa
pati ang pagkatao ko
Ano itong naririnig ko?
para bang sinasabi
wala kang kwenta,
wala kang silbi,
wala kang utak
di ka nag-iisip...
Ano ang mga ito?
paulit-ulit nalang
nabibingi na ako
Sino ba talaga ako?
Ano ba ako sa buhay ninyo?
Ano ba ang kahalagahan ko
sa mundo ninyo?
sabihin ninyo,
Bakit iba ang pakikitungo?
bakit iba ang pinapakita?
kung ako ma'y bahagi
ng pamilyang ito
Sagutin niyo,
ang mga tanong ko
sapangkat ang puso
lubos nang nagdurugo,
bakit hindi ninyo
lubos na maunawaan,
maintinhan ako
ngayong hindi naman
ako sa inyo'y nanloloko
batid ko ang hinaing ninyo
maging ang kagustuhan niyo
pero sana kayo din
mabatid ninyo
ang hiling ng puso ko
hindi ako perpecto
sa paningin ninyo
alam ko iyon
sapangkat di ako perpecto
Gusto ko lang malaman
ninyo na tao lang ako
nagkakamali din
pinipilit kong kayanin
ayusin ang pinagagawa
sa abot nang aking makakaya
kaya lang hanggang doon lang
ang aking maaabot
at maibibigay sa inyo
Kaya lang,
hindi niyo nakikita ito
sapangkat ang kamalian
at kawalang kalaaman
lamang ang nakikita ninyo
alam kong malaki
ang utang na loob ko sa inyo
at nakikita ko rin
ang hirap na dinadala ninyo
para lang sa akin
Hindi ko kailan iyon
malilimutan
dahil nakatatak na
sa puso ko
ang hiling ko lang
ay intindihin niyo
sana ang nararamdaman ko
kasi may puso din ako
na marunong masaktan
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem