Marites C. Cayetano

Veteran Poet - 1,826 Points (Philippines)

Ang Mananayaw - Poem by Marites C. Cayetano

Ang mananayaw
dati kong hinangaan
sa tikas ng kanyang tindig
at sa mukhang nakapagpahayag
ng iba't-ibang damdamin
sa bawat musikang
kanyang sinayaw
ay di ko mapagabanan
ang animo'y magnetong humigop
sa aking katauhan
upang siya'y pagmasdan
sa bawat niyang sayaw.

Ang mananayaw
sa drogang, sa una'y tikim lang
ay nalulong
at kanyang mga sayaw
sa unang hithit ng droga'y
lalong naging madamdamin
ngunit kalaunan
nawala sa tiyempo
at kanyang mukha
ay naging animo'y
blangkong papel.

Ang mananayaw
sa droga'y nalulong
ngayo'y nasa munti
at kinabukasa'y
di tiyak.

Ang mananayaw
dati kong hinangaan
at muli kong hahangaan
kapag kanyang buhay
ay kanyang maisayaw
ng may damdamin
ng nasa tiyempo
...balang araw.


Comments about Ang Mananayaw by Marites C. Cayetano

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Friday, April 6, 2012

Poem Edited: Friday, April 6, 2012


[Report Error]