Ang Panaginip Poem by Donward Caniete Bughaw

Ang Panaginip

Bakit nga ba lagi kitang naiisip
Sa umaga, tanghali at gabing malamig
Ang iyong larawa'y 'di mawaglit-waglit
Lagi't lagi nalang itong pumapanhik.

Ilang beses mo na ring paulit-ulit
Dinadalaw ako sa 'king panaginip
Ako'y minumulto ng damdaming sabik
Sa mga nagdaang 'di na ma'babalik.

Sa aking isipa'y 'di maalis-alis
Nagugunita kong ngiti mong kay tamis,
Ang 'yong mga tingin—ang sulyap, ang titig,
Ang pananalita, ang ayos at tindig.

Mapupulang labi't malambing mong boses
Mapupungayng mata na walang kapares
Matangos na ilong na nakaka-akit
Anghel kang sa lupa ay hulog ng langit

Paano ko nga ba sasabihin'g ibig
Paano ko nga ba gagawin ang naid
Kung sa bawat hakbang, kung sa bawat lapit
Ay ang paglisan mo'ng laging sinasapit.

POET'S NOTES ABOUT THE POEM
A classic Tagalog tula with tugma and sukat about longing for a lost love. The speaker is haunted by memories of her smile, voice, and eyes, but cannot confess love because every attempt ends in separation.
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success