Bakit mga mata koy nanlabo
Gaya ng aking isip at puso.
Sukdulang sakit at pighati
Sa akin ay dumaraig at humahati.
Mahalin ka ng buong puso
Sigaw nitong aking damdamin at pag-ibig.
Ngunit pilit lumalalaban at nais magwagi Ng natitirang kong pagmamahal sa sarili.
Lamang ay pinagkaloob mo sa akin ang isang panyo
Pamahid ng luha na sa aking mga matay humihilam.
At sinabi mo sa akin ang iyong mga katagang
Mahalin mo ang iyong sarili at akoy limutin
Narito ang panyo ng aking pusoq
Mabubura nito ang mga ala ala ko sa iyong isipan at puso
Ngunit mga paraan ay iyong sundin at gawi
Ito ang panyo ng aking puso
Mabubura mo ang lahat ng naisin
Kung ito ay kaya mong labhan sa pamamagitan ng sikat at init ng araw
tuyuin sa pamamagitan ng patak ng ulan.
At ang luha moy tuluyang mawawalan ng dahilan
Upang muli pang sumungaw at dumaloy sa iyong mga mata.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem