Erick Cortez

Rookie - 20 Points (November 11,1982 / Naga City)

Bakit Hindi? - Poem by Erick Cortez

Minsan sa aking mapaglarong isipan ay may mga tanong, ideya at minsan pa nga’y mga bagay na imposibleng mangyari. Ano kaya kung ganito? Paano kaya kung ganyan? Bakit hindi? Mga bagay na lilikot sa sulok ng iyong ulirat at susubukin ang lalim ng ating mapaglarong isipan.
Sa aking pag-iisa, minsan ay dumapo sa aking isipan ang isang tanong na tila mahirap mangyari, pero sa tingin ko naman ay gugustuhin ng karamihan. Ano kaya kung mabibigyan tayo ng pagkakataong isilang na mag-uli? Sa ilang ispirituwal na paniniwala ay posible, sa ilan ay maaaring reinkarnasyon at sa ilan naman ay hindi pupuwde.
Kung mamarapatin at tutal ito ay isang ideya ko lang naman, nais ko na isilang na mag-uli, marahil ang dahilan sa iba’y para maituwid o maiwasan ang mga sitwasyon o mga nangyaring pagkakamali, sa iba nama’y para maranasan uli ang sarap ng buhay at makasama ang mga pinakamamahal, siguro naman sa iba’y makamtan ang mga bagay na ‘di nagawa o naabot. Sa anong dahilan ba ang aking pipiliin kapag ako’y isilang na mag-uli?
Siguro’y lahat ng dahilan ay pipiliin ko, eh kung sakali mang ako’y isilang na mag-uli ay kaya ko namang gawin lahat iyon. Tulad ng isang punong nabuwal ng bagyo na kahit humandusay sa lupa’t maputol ang mga sanga basta may natitirang ugat sa lupa ay muling susupling at magbibigay ng panibagong pag-asa, mamumunga na siyang magpapaalala sa tamis ng bawat pagkakataong mabuhay.
Tunay nga na masarap namnamin ang mga bawat pagkakataon sa ating buhay, ‘di ba? Kahit sa simpleng ideya na dumapo at naglaro sa aking isipan ay nangarap tayo at sumaya na rin kahit na papaano. Hindi ko man nasabi lahat pero sana’y may mga bagay tayong natutunan, totoong malalim at sanga-sanga ang kuwento ng bawat buhay ng tao, at sa bawat isa sa atin ay may umuusbong na kuwento na bumabahagi sa kamalayan ng bawat isa sa atin.


Comments about Bakit Hindi? by Erick Cortez

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Sunday, August 15, 2010



[Report Error]