Kumukubli sa bitin na kumot
Habang hapit sa manhid at poot
Sa araw dumudungaw ang sikat
At hawak ang balisong sa lamat
Sa gabing panay ang sablay ng luha
Sumisingit ang basag sa simpleng ginhawa
Kumakahot ang siyang nangangasiwa
Sa rehas na wala ni isang bintana
Nakadapa sa init ng karampot na papag
Nawiwindang, sumisigaw sa tinapay na may amag
Nalilinlang, naaapi sa matatapis na ngiti
Ginugunaw ang mga tahan sa bawat salapi
Lumilingat sa mga alipin para duraan
Ang simpleng mantas ng bawat nakaraan
Gumagapang naiinggit sa nguya ng mataas
Pagkatapos lunukin, syaka pa mangangahas
Ang bawat kaluluwa na siyang nililibing
Hawak ang mga kamatis para sa piging
Habang ang mga manhid, laging pumuputak
Nag-aalipusta ng sarili nang siya'y humalakhak
Namimili ng isda na kasing lansa ng kanyang dugo
Tumitikim ng buhay na di dapat sinusubo
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem