Joshwin Artedes


Bayan(I) - Poem by Joshwin Artedes

Lupaing nilikha nang Ama na Hari ng Awa
Hinubog ng mga kamay ayon sa Kanyang diwa
Luntiang Kabundukan dito'y Iyong pinunla
Mayamang karagatan lubos Mong pinagpala

Mga nilalang na Iyong piniling magbantay
Di hilaw di sunog kundi kayumanging tunay
Handang ipaglaban lupang sa amin binigay
Kahit ang kapalit nito'y ang sariling buhay

Pinaghati man ito sa tatlong ebang pangkat
'Sang ngalan lamang nang hari dito'y sasapat
Pitong libot 'sang daan pito islang lapit lapit
Pinagbuklod mga lahing di ko ipagpapalit

Sa ating kasipagan di tayo pahuhuli
Pagtulong sa kapwa di kailanman nagsisisi
Sa pagkamatiisin mahaba ating pisi
kahit may pagsubok laging may mga ngiti

Kamay, paa, ulo't katawan aking nakita
At isang puso nkakubli sa isang lawa
sadyang katangi-tangi iyonh yumi't ganda
Di maihahalintulad sa sinumang bansa

Sa dayuhang mananakop di ka nakaligtas
Alipin ng kastila tatlong siglo naranas
Mga kano kailanman di naging patas
At mga hapon hinarap sa ikalawang digmaan

May sasakit pa ba kung kadugo ang nagpahirap
Pinunong pinagtiwalaan, ditaturya'y pinalaganap
Boses at yaman ang s'yang ninakaw at kinalap
Ito'y katotohanang mahirap matanggap

Sa bawat paghamak mga BAYANI sisibool
Haharapin ang dilim laban sa nang-aapi
Buong tapang buong dangal na di nagagapi
Lahat ay ilalaan para sa kanyang lipi

Tabak ni lapu-lapu gamit para di sya matalo
Panulat ni pepe sandata upang magising diwa ko
Prinsipyo ni ninoy, dasal kay cory ang daan sa pagbabago
Kaya nagkapit bisig para sa rebolusyong payapa't makatao

Tanong ni katoto pano maging bayani sa bayan ko?
Magpalit ba ng pangalan at gawin ngalan mo?
Lumaban sa nang-aapi at ialay sariling dugo?
O magpaalipin at magpadala ng dolyar sa gobyerno?

Mga guro, sundalo at magiting na atleta
Umani ng parangal at gintong medalya
LIlipas mga taon sa libro na lang makikita
Hanggang malimot na ng mga musmos at abalang madla

Kabayanihan nila sana'y wag masayang
Pagkat pagmamahal nila'y di matatawaran
Naputol na paaghinga dapat pahalagahan
Ito ang dahilan ng tinatamasa monh kalayaan

Pangalagaan natin iniwanag habilin
Pilipinas mahalin, igalang at yakapin
Ipagtangol, ipaglaban ating karapatan
Turingin ang sarili BAYANI sa Inang BAYAN!


Comments about Bayan(I) by Joshwin Artedes

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Friday, August 27, 2010



[Report Error]