Simula nang ika'y nakilala
buhay ko'y nag-iba
dati ay nagdurusa
ngayon ay kay ganda
Pag ika'y kasama
sa puso ay anong saya
di maintindihan ang nadarama
pagkapiling ka sinta
Pag ika'y naka-usap
at aking nakasama
nawala lahat ng kaba
at aking pangungulila
Puso ko'y puno ng kaligayahan
na parang mga bituin
nag niningning sa kalangitan
nagbigay kulay sa akin
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem