Bulong Ng Pagsinta Poem by Ignacio Jr Paguyo

Bulong Ng Pagsinta

Lubog na ang araw, kalat na ang dilim,
Pagtingala ko sa kalangita'y mga nagniningning;
Munting buwan na walng ibang kasama kundi mga bitwin,
Ako'y nakabuo ng talinghagang kaylangan kong sambitin.

Nang ako'y tumingala sa gabing payapa,
Sa ulap ay may ngkukubling tala;
Isang nagniningning na gusto kong masilayan,
Tamis ng ngiti mo, puso ko'y tumibok at nabuhayan.

Ika'y puno ng buhay at ligaya,
Ngiti ko'y nabuo tulad ng sampaga;
Kung magkakapisan ang ibigay ng tadhana,
Ay tulad ng mundong walang bahid dusa.

Sa bawat oras, minuto at segundo,
Nadaramay ko'y patuloy sa pagyago't pagtubo;
Bulong ng aking puso'y hindi ko nga maitago,
Na kahit masakta'y hindi ko maisip ang sumuko.

Imahe mong nakaguhit na sa aking isipan,
Nakaukit sa loob, walang iba kundi iyong pangalan;
Naway makadaong, sa puso mo itong sulat,
Na ika'y sinisinta at ginigiliw kong tapat.

READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success