Cold Poem by Elj Cadz

Cold

Alam ko, na alam mo, na alam nating dal'wa
Nasa relasyong ito 'di na tayo masaya
Na iba na ang ginagawa mo sa ginagawa ko, ang mga iniisip mo sa iniisip ko,
Yung mga naririnig mo sa mga naririnig ko, yung mga nakikita mo sa mga nakikita ko,
Iba na ang mga katagang binibitawan mo, malayo na sa mga sinasabi mong " mahal mo 'ko, "
"Kailangan mo'ko, " "yakapin mo'ko, " "halikan mo'ko"
Nasaan na? Nasa'n na 'yung sinumpaan natin na di tayo titigil na pasayahin ang isat isa
'Di na ako masaya!
At lalong 'di ko naaaninag ang saya sa 'yung mukha
Nakalimutan ba natin? Na may relasyon na namamagitan sa ating dal'wa?
O kinalimutan natin? Dahil wala na tayong nararamdaman sa isat isa.
Alam mo, na alam ko, na nagtataka ka rin
Kung ba't nanglalamig itong tinaguriang pag-ibig natin
Ibang-iba na sa mga ginagawa at nakasanayan nating gawin
Na kung wala na talagang pag-ibig na natira ay maaring tapusin na natin!
Ano ba ang hinihintay mo? Ano ba ang hinihintay ko upang matuldokan na ito?
'Di ko lubos matanto kung ba't tayong nag kaganito,
Kung ba't ang puso mo sa puso ko ay 'di na konektado?
Mahal kita ngunit 'di na ako masaya, mahal kita pero alam ko nagaalinglangan ka
Tapusin mo na! Tapusin na natin to!
Tatapusin ko sa pamamagitan ng tula na sinusulat ko habang tinititigan ang mukha mo,
At ako'y napatulala, tinitigan ko ang yung mga mata sabay hawak ng iyong naiinis na mukha
Nakita ko, , nakita ko, , ang lalaki na nagpapatibok ng iyong puso,
Nakita ko, , ang lalaki na minamahal mo, na kasakasama mo mula umaga hanggang gabi, sa kwarto hanggang kayo'y magkatabi
Nakita ko, , ang lalaking bumuo ng puso mo na sinasamba mong parang santo,
Ang masaklap hindi 'yun ako
Ang mas masakit 'yun ay kaibigan ko.
Mga Putang ina kayo!

Tuesday, November 14, 2017
Topic(s) of this poem: coldness
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Elj Cadz

Elj Cadz

Blanco, Balingasag, Misamis Oriental
Close
Error Success