ALEGRIA NATIONAL HIGH SCHOOL-303530
Sulat at kathang isip: Jose Arbalate Dulfo
Namulat tayo sa panahong puno ng saya!
Pamilya't mga kaibigan ang ating mga kasama,
Kahit saan, pwede tayong pumunta,
Na walang takot at takip sa ating mga mukha.
Kahit anong okasyon ay naipagdiriwang,
Pyesta, Pasko, Bagong Taon laging may sayawan,
Mga tao ay makikita sa ating mga lansangan,
Nagsasaya, nagkuwentuhan kasama kanilang mga kaibigan.
Nang dumating ang pandemyang si Covid 19,
Bigla na lamang, nanahimik ang paligid natin,
Natatakot, kinakabahan, at di magawa ating nanaisin,
Sapagkat itong si Covid 19 baka nariyan lang sa hangin.
Ang pandemyang ito ang nagpabago ng lahat,
Ekonomiya ng mga bansa ay hindi na umangat,
Tumigil ang mundo ng lahat ng negosyo,
Kaya mga trabaho lahat ay naglaho.
Klase sa buong mundo ay nagbago,
Naging modular at blended learning ito,
Kaya mga mag-aaral ay nahihirapan dito,
Pati mga Guro ay naninibago.
New Normal ang tawag nila rito,
Social Distancing ang pinapairal dito,
Facemask, faceshield at alcohol umuunlad na negosyo,
Na iyong gagamitin upang protektahan ang sarili mo.
Tanong ko sa aking Sarili,
Maibabalik pa ba ito sa dati?
May pag-asa pa bang makikita sa huli?
Mga tanong na hindi masasagot ng aking sarili..
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem