Masked lady

Rookie (October 27,1956 / Manila, Philippines)

Dad….. - Poem by Masked lady

Parang kailan lang …
Kasakasama kita sa mga gawain ko sa paaralan,
Sa pagbabasa ako’y iyong tinuruan,
Tinulungan sa pagguhit ng mga isda, ibon at halaman,
Upang ka klase’y may maipasa kinabukasan.

Naalala mo pa ba….?
Nang una kaming bigyan ng pagsusulit sa klase?
Tuwang-tuwa ka’t sa akin ay tawang-tawa
Nang sabihin kong dalawang 100 ang aking nakuha,
Yon pala ay 100% lamang!

Tandang-tanda ko kung gaano ka kasaya,
Sa tuwing matatapos ang eskwela,
Mga medalya ng parangal aking nakukuha,
Pinakamataas na marka’t sa klase’y nangunguna.

Parang kailan lang diba…?
Nang isakay mo ako sa iyong Bangka,
Sa ilog ako’y isinama upang mangisda,
Sapagkat sa itlog ng biya ako’y tuwang-tuwa,

Sa pagdidisiplina mo ako’y di rin nakaligtas,
Mga pangaral at palo hindi rin ako nakalampas,
Masiguro lamang na ako’y lumaking maayos,
Dangal ng magulang at yaman ng lipunan.

Parang kailan lang dad, nang ika’y lumisan
Sampung taon na subalit parang kahapon lamang,
Miss na miss pa rin kita, sapagkat dad,
Mahal na mahal kita.


Masked lady
Dec.5,2009


Comments about Dad….. by Masked lady

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Sunday, December 13, 2009



[Report Error]