Parang kailan lang tayo’y nagsumpaan
Na aalagaan pusong bawat isa ang inalayan
Magiging matatag sa pagsubok na haharapin
Paglalabanan mga tuksong darating
Ito ang mga katagang ipinunla sa ating mga puso
Nakaligtaan kong ika’y maaring maging tuso
Di nga bat ang utak ang pumaibabaw sa ating puso
Kaya di kata-taka kung damdamin ay daigin ng isipan mo
Maaring karaniwan lang ang akin kagandahan
Subalit handa kang paglingkuran magpakailan man
Buhay na simple lang ang aking kahilingan
Nakahandang magtiis basta’t kapiling ka lamang
Ako’y nangamba ng iyong ituran
Pagmamahal sayong magulang ay di mahihigitan
Nang ikay ipagkasundo sa dalagang mayaman
Nakalimutan ang sintang pinangakuan ng walang hanggan
Kaysakit isipin di mo man lang naipaglaban
Sa halip ay tuluyang kinalimutan ang ating sumpaan
Dahil ba sayong magulang o sa kanyang yaman?
Mas maiging dina malaman ang kasagutan
Ngayo’y haharap kayo sa pinangarap nating dambana
Sa wari ko ang hapdi ikakamamatay ko na
Mahal kita kaya’t handang magparaya
Makamit mo sana ang ligaya sa piling niya
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem