Dalamhati Ng Pinagtaksilan Poem by Rey Benipayo

Dalamhati Ng Pinagtaksilan

Bakit ganun? Minahal mo na, ipinaglaban mo pa
Lahat ginawa mo maging masaya lang siya
Tapos ganito? Mga letse sa pinaka letse! ! !
Ano bang pagkulang ko sa kanya? !
Ano bang pagkakamali ko? !
Bakit siya nagtaksil? Bakit? !
Galit ako sa sarili ko… Galit na galit! ! !
Dahil hinayaan ko lang mangyari ito!
Bakit ba nagpauto ako, nagpakagago? !
Hindi ko man lang nahalata o nalaman agad
Na may kahati pala ako habang kami pa
Napakabobo ko naman sa tarantadong tulad niya
Hindi ako nagkulang! Wala akong ginawang masama!
Sa kabila ng kabutihan ko at pagmamahal? !
Naiisip ko pa lang ang ginawa niya sa akin
Ang mga panloloko niya, ang pagtataksil niya,
Ang sakit… sobra! Magpapakamatay ako!
Makakapatay yata ako sa galit!
Pagkatapos ng lahat, ito pa ang igaganti niya!
Hayop siya! Hayop sila mga walang hiya!
Pasalamat siya at sobrang bait ko
Pasalamat siya na may natitira pa ring pagmamahal
Sa kabila nang kademonyohan niya!
Kung sa ibang tao lang ito…
Sa mga oras na ito ay pinaglalamayan na siya... sila! ! !

Wednesday, October 23, 2019
Topic(s) of this poem: betrayal,sorry
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Rey Benipayo

Rey Benipayo

Ligao City, Philippines
Close
Error Success