Doon Sa Lugar Na Nagsimula Ang Lahat Poem by Elj Cadz

Doon Sa Lugar Na Nagsimula Ang Lahat

Lubos akong nasaktan noong nakita ko kayong dalawa sa daan
Magkahawak sa kamay, nagkwentuhan at biglang nag hahabulan
Iyong mga bagay na dati nating ginagawa sa maliit at makitid nating daan
Doon sa lugar kung saan nagsimula at natapos, iyong saan ako nasaktan
Sa badang kung saan ang dami nating kasaysayan
Naalala ko sa dating tagpuan
yong tayo lang dalawa sa upuan, nagyayakapan
Doon sa walang taong nakakakita, doon sa tayo lang
Doon sa dampian ng labi, sa mga bawat bigkas natin na mahal natin ang isat isa
Pumupunta parin ako doon
Oo, naglalakihan na ang halaman, namungga narin yung punong mangga
Kung saan nakaukit yong bawat mahal kita
Yung mangga na saksi sa pagibig nating dalawa
Ang malas nga dahil wala kana
Ako nalang pumupunta magisa
Nagkahiwalay kasi tayo bigla
Kaya nagiisa at kakawa na ang bata.

Tuesday, November 14, 2017
Topic(s) of this poem: places
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Elj Cadz

Elj Cadz

Blanco, Balingasag, Misamis Oriental
Close
Error Success