Gabi Poem by ronald gargalicano

Gabi

Rating: 0.5

Lumansag ang hapon sumilip ang araw
Isang taong kasama'y lumisan di nakagalaw
Nagsimulang humimig ang paglubog
Samu't-saring naniniraha'y nangabulabog
Humuhuni na si kumpare sabay kislap ni diwata
Bumalik si alon may dalang balita
Umihip ang hangin dalisay ang lamig
Sa ilog dumaragsa ang kapirasong patak ng tubig

Sa aming bukid yumuko na ang kakwate
Sa tugtog ng gitara'y bumuka ang kabibe
Hamog dumampi sa munti mong labi
Aking dalwang palad umuusad, nagmamadali
Umamoy na ang sinaing nakalimutan ko pala
Nagmamadaling humakbang nakita si Ama
Umugong na ang hangin nawala ang bituin
Unti-unting pumatak ang ambon, pumili kung alin

Nalungkot sa kubo't tumingin sa kawalan
Binilang-bilang ang araw, inisip kung kailan
Tumigil na ang pagbuhos muling nanumbalik
Kinuha ang tsinelas at agad pumanhik
Umupo ng nakatalikod sa mumunting papag
Sumulat ng tula dala na nang panatag
Iginuhit siya sa kislap ng mga naglalarong tala
Ginawa aking istorya'y sobra na pala ang haba
Nagdasal na't pumikit dumalaw sa pagiisip
Mistulang munting tinig sa aki'y nagpaidlip

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success