Gising Poem by Angela R. M. Ferrer

Gising

Di na kailangan pang
balikan ang nakaraan
kahit higit sa higit
Nakalipas ay natapos na

Kung tutuusin
Tayoy's nagpasya na
Huwag ng guluhin muli
Ang napayapa na

Mundo'y kay gulo at kasaklamsaklam
Ngunit sapagitan ng karahasan, mukha mo'y banggit pa
Kung minsa'y nagsaya sa ilalim ng iyong mga bituin
Ngayo'y nagkakandarapa, para lamang di masilayan

Di na kailangang pilitin
Nakaraan, nakalipas, lahat nang 'yon nangyari na
Di kailangang ulitin
Ang di para ay di maaaring para

Hahalikan ngayon ang alaala
Yayakapin naman ang kinabukasan
Unti-unting bibitawan
Hanggang sa may makita muli
Sa kalawakan

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success