Isang ginoong gumagabay sa atin;
Na nagsilbing pangalawang ama namin.
Labis na pagmamahal ay walang hanggan,
Kanyang kabaitan ang inyong abangan.
Ikaw ay mabuting modelo sa amin,
Napapansin mo ang ginagawa namin;
Kaibigan na masaya at mabait;
Tumutulong sa pangarap na makamit.
Ang saya-saya pag tayo'y magkasama;
Iyong kagalingan ay kahanga-hanga,
Handang tumulong sa anumang sitwasyon;
Ngunit marami kang mga inhibisyon.
Ang lahat na nangyari sa ating buhay;
Nagpakita ng pagmamahal na tunay.
Isang mabuting guro sa paaralan;
Mga kabataan iyong gabayan.
Walang sawa ang iyong pag-aalaga;
'Di matatapos ang ating kabanata;
Ating pinagsamahan ay di malilimutan;
Mga paalala mo sa buhay aming pinapahalagahan
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem