Ang buhay ay ibinigay,
Upang bigyan ng saysay.
Masarap lumaban sa buhay,
Kung may kaibigang umaagapay.
Tawanan at asaran,
Syang nais tuwing nasa labuyan.
Araw-araw na laro,
Harutan, kulitan, at biro.
Pares ni kabayan,
Kaysarap balik-balikan.
Litratong kuha sa galaan,
Kaysarap pagmasdan.
Kwentuhan at inuman,
Kaganapang hindi malimutan.
Mundo kong dati'y maliwanag,
Iyong tingnan at hindi maipaliwanag.
Nagsimula sa yayaan at laruan,
Nagtapos sa walang kabuluhan.
Masasaya at matatamis na ala-ala,
Nawala na parang bula.
O matalik kong kaibigan,
Bakit sa isang iglap ako'y iyong nilisan?
Ang matamis na salitang 'Hi',
Bakit humantong sa napakasakit na 'Goodbye'? .
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem