Hiling Ng Puso Poem by Cm' Montepio

Hiling Ng Puso

Nagsimula sa pagtitinginan.
Nakipag-usap na puno ng galang.
Minahal ka ng hindi ko inaasahan.

Marami man ang naging hadlang.
Minsan hindi nagkaintindihan.
Ngunit dito nasukat ang ating katatagan.

Hiling ko lang, puso ko'y huwag mong saktan.
Huwag kang umalis ng walang paalam.
Ang mahalin ka ay syang tangi kong alam.
Kaya naman puso kong ito ay sana iyong ingatan.

Friday, October 19, 2012
Topic(s) of this poem: love
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success