Hinagpis Poem by Duard Cabral

Hinagpis

Rating: 5.0

pagal
ang katawan sa paglalakbay
dito sa mundong nilisan ng awa
nagpupumiglas
ang aking kaluluwa sa katawan lupang
nilamon
ng bagabag at tinalikdan ng ulirat
kamatayan
lamang ba ang nasa kabilang ibayo
nitong buhay na inaasam
dito sa mundong ibabaw na
nilapastangan
ng pitong batingaw
bingi
ang langit sa alingawngaw sa
sidhi ng pagsusumamo
sukdulan
ang pait na iniwan ng pag-asang
iniukit sa munting isip
at ang bukas kailan may
hindi naging pangako sa
tulad kong tinuldukan ng
kapalaran


_(Sept.04 2011/Philippines)

COMMENTS OF THE POEM
Inner Whispers 23 September 2011

hmn...parang nakikita ko ang senaryo nito... napakagandang tula ng hinagpis, edd! 10+

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Duard Cabral

Duard Cabral

Bulacan, Phils.
Close
Error Success