Parang kay hirap
Nitong damdamin ko para sa’yo
Kaya sana o giliw ko
Nais kong dingin mo ito.
Nang una kitang nakita
Tumibok agad ang puso ko
Pinana yata ako ni kupido
Kaya tarantang taranta ako.
Kaya nang lumapit ka
Di ko maiwasang matulala
Mabulol, maistatwa
Manlamig, nahihiya pa.
Ngayong muli tayong nagkita
Kahit di pa kita kilala
Ang nais ko’y makilala ka
At habang buhay na mahagkan.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem