Donward Bughaw

Freshman - 544 Points (June 4,1999 / Santa Catalina, Zamboanga City)

Huling Hikbi Para Sa Taong Mahal Ko - Poem by Donward Bughaw

Huling hikbi para sayo ay iiwan
Galing sa puso ay ang huling paalam
Kasama ang luhang aking iuulan
Sa dampi ng hangin ay ipailanlang
Pagkamatapat ko ay iyong asahan
Sa tamang oras ikaw ay babalikan
Dala ang pangakong di ka papalitan
Dito sa puso ko'y nag-iisa ka lang.

Salamisim ka sa aking ginagawa,
Dahilan ka kaya ako nagtiyaga;
Kaya lang ang naging katawa-tawa,
Lalaking tunay sa pag-ibig lumuha
Nahihingawa at nabalot ng sama
Puso kong malakas ngayon ay nahawa
Kapal ng mukha ko'y dagliang nawala
Yukod ang ulo ko sa dami ng kutya.

Hangal ako ang sabi ng karamihan
Bobo akong sayo ay sunod-sunuran;
Tunay nga naman ang kanilang tinuran
Hangal nga ako magpakailan pa man
Bobo akong sayo ay sunod-sunuran
Subalit ako'y may kapaliwanagan
Ngayon ang panahong dapat n'yong malaman
Hindi aralin ko ang pag-iibigan.

Pebrero ngayon, kaya't handog ko ito
Sa isang babaeng tunay na mahal ko
Muli ay balikan aking pangako
At mababatid mong ito ay totoo
Papatunayan ko ng walang dokumento
Walang papalit sino man sa puso ko.
Kahit kailan ay di kita niloloko
At kung maari puso ko'y wakwakin mo
Makita mo lamang nilalaman nito
Nag-iisang babae tatak ng puso
Yun ay ang pangalang-ACJ Sevelo,
Na sa sekondarya ay naging sinta ko.

Topic(s) of this poem: love

Form: Free Verse


Poet's Notes about The Poem

My past

Comments about Huling Hikbi Para Sa Taong Mahal Ko by Donward Bughaw

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags


Poem Submitted: Friday, January 22, 2016



[Report Error]