Iba Na Ang Siya Mo Poem by Elj Cadz

Iba Na Ang Siya Mo

Hindi na ako ang laman ng bawat siya mo
Dahil iba na ang nakapaloob nito
Iba na ang nagpapangiti sayo
Na sa bawat sambit mo ng siya sa kaibigan mo
Ay di na ako ang tinutukoy nito

Sinasabi mong matalino siya
Mabait, matapang at ang gwapo, siya
Nakababae pagkasama mo siya
Iba na ang kahulugan ng siya
Nawala ng ako sa siya

Hindi ko kaya tangapin
Bigkas mo ng siya ang ngumingiti ka
Kaibigan mo sabi "nandito na siya"
Lahat tumitili pati puso mo ay tumitindi
Ngunit, nandito ako naka tingin at wala ng ngiti

Hindi na ako ang siya sa bawat "pakisabi mo sa kaniya"
Hindi na ako ang siya sa salita na "mahal na mahal ko siya"
Hindi na ako ang siya pagsinasabihan mo kaibigan mo na "mapanaginipan ko siya"
Hindi na ako ang siya sa bawat ngiti mo at tawa
Hindi na ako ang siya ang katumbas ng puso mo at kaluluwa

Hindi na ako ang siya ang iyong kasama
Na habang kayo ay nakikita ako naman ay nag-iisa
Hindi na ako ang siya yung dinadala mo sa iyong barkada
Iba na ang repleksyon at purma
Mas matikas at mapurma na

Sasabihin ko sayo na kahit iba na ang bawat siya mo
Naniniwala parin ako sa ikaw at ako
Umaasa na magkakahiwalay ang siya at mabalik ang dating ako
Iyong masayang dating tayo
Dahil ako naman yong lamandating siya mo

Tuesday, November 14, 2017
Topic(s) of this poem: broken heart
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Elj Cadz

Elj Cadz

Blanco, Balingasag, Misamis Oriental
Close
Error Success