Kay ganda ng mga sandali,
Umagang kay busilak,
Sa mata'y kumukislap.
Handog na pangarap,
Galing sa pusong wagas,
Nagmamahal, ikaw lamang.
Pag ika'y katabi,
Pinipigil ang oras,
Para ika'y makausap.
Mahalaga bawat mga araw,
Pag ikaw lang ang
Kasama at kapiling.
Bawat pagpatak ng ulan,
Nagbibigay katuparan,
Sa mga pangarap at panalangin.
Lahat na gagawin,
Ay dahil sa iyo,
Ikaw lang ang dahilan mahal ko.
(4/29/03. 7: 05 p.m)
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem