Nono Taps


Ikaw Lang - Poem by Nono Taps

Sa pag mulat ng aking mata sa umaga
Ikaw lang ang unang naaalala
Sa pag patak ng oras ko sa tuwina
Ikaw lang ang taong nagpapasaya
Sa pag sapit ng gabi ko sa pag iisa
Ikaw lang ang nakakasama

Ikaw lang, sa puso pati sa isip
Ikaw lang, sa kaganapan pati sa panaginip

Marami mang tao dito sa daigdig
Ikaw pa rin ang natatangi
Ang iyong ngiti pati na ang iyong labi
Mapupungay na mata at mapang akit mong tinig

Ikaw ay naiiba
Ikaw ay nag-iisa

Hindi man mabuo ang `Ikaw at Ako`
Mananatili pa rin ang `Ikaw` sa puso ko
Magpakailanman, kahit saan man
Kahit pa sa huling hantungan


Comments about Ikaw Lang by Nono Taps

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Friday, February 8, 2013

Poem Edited: Saturday, February 9, 2013


[Report Error]