Ikaw Pa Rin Poem by FRAGMENTS AND PIECES

Ikaw Pa Rin

kahit dayain ko ang isip
puso'y laging nananaginip
na ika'y makita kahit isang saglit
at mayakap ng mahigpit

kahit may napupusuan ka na
wagas na pag-asa ay nanaig pa
tanging tanda sa puso'y kaba
na hanggang ngayo'y hinahangad ka

anong himala ba ang dapat mangyari
ilang tanda pa ba ang dapat masuri
upang maintindihan pagbabalik na muli
kahit itinatakwil mo sa bawat pagbabakasakali

ang hirap naman ng pusong umiibig
sa isang taong puso niya sa'yo ay manhid
ngunit bakit di pa rin malimot
noon pa ay sa kanya lang umiibig

ilang panahon na rin ang lumipas
akala ko ito lahat ay mawawala lang sa wakas
ngunit damdamin ko ay di pa rin makaalpas
sa pag-ibig kong tunay at wagas

patawarin mo ang pusong mapaghangad
kahit alam kong ako'y saiyo ay walang halaga
nangangarap nalang kahit isang saglit ika'y makita
at muling masabi kahit isang payak na pagbati.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success