Ilang Araw Sa Inuman Poem by Rey Benipayo

Ilang Araw Sa Inuman

Gusto ko lang ay makalimot,
Mag-out of this world
Kahit paminsan minsan
Kahit pansamantala
Kaya heto ako ngayon,
Ilang araw nang nasa inuman.

Umiiyak, nagpapakasaya
Dahil malungkot ang life
Ang boring boring pa
Parating napapagalitan sa bahay
...Oh- -, badtrip! ! !

Gusto ko lang ang makalimot
Dahil bagsak sa exam,
Brokenhearted ako,
Ang dami kong problema
Oh no, anong gagawin ko!
Di kaya ako magsuicide
Kaya heto ngayon....

Ilang araw sa inuman?
Three to five days?
Six to eight days?
Depende!

Bastat may pera tayo
Bastat andyan ang financiers
As long as may alak!
Oh, bawal umuwi
Hangat hindi pa satisfied!

Kuwentuhan lang tayo
Hanggang sa maubusan ng kuwento
Kantahan lang tayo
Hanggang sa maubusan ng ikakanta
Hanggang magkapaos paos!

Ilang araw kaya sa inuman?
Ewan ko, depende
Basta bawal na bawal
Ang pikon at maarte
Lalong lalo na ang away at gulo
Oh, never mind at ok lang
Kung umihi ka man
Sumuka ka nang sumuka
Basta cool lang at masaya!

Umaga, hapon at gabi
Agahan, pananghalian at hapunan
Bastat may alak na tinutunga!
Bahala na kung magkasakit!
Because we are a failure,
Because I am frustrated!
Gusto ko lang ay sumaya at makalimot!

Bahala na kung ang klaseng alak
Brandy, gin, beer, vodka
Kahit nga mixed, may juice o wala
Ay ayos lang, no probz
Bastat kasama ang tropa!

Ilang araw sa inuman?
Depende sa atin?
Hanggang sa magsawa!
Ok lang if palipat lipat ng place
Matulog pag di na kaya
Basta paggising dapat palaban!

Walang basagan ng trip!
Pagkat kami'y certified laklakero
O, ano sama ka o hindi? !
Bahala ka, basta kami...
Mag-iilang araw sa inuman!

Tuesday, February 7, 2017
Topic(s) of this poem: alcoholism,depression,failure,frustration
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Rey Benipayo

Rey Benipayo

Ligao City, Philippines
Close
Error Success