Jan 29 2008..Senti Poem by jessiedith 610

Jan 29 2008..Senti



Matagal kong inilihim ang aking pagtingin,
Nang dumating ka sa aking harapa’y inamin.
Akala’y sapat na ang pagtingin at pag-amin,
Ngunit ang lahat nang iyon ay mahirap bawiin.

Ang puso ko ngayo’y lbis na nahihirapan,
Umaasa balang araw ika’y mahagkan.
Nag-iisa nagayon at walang makasama,
Kahit sa panaginip ko ika’y wala na.

mahirap tanggapin ang isang pagkabigo,
ngunit pinaglalaban kahit dapat ng sumuko.
Sa aking puso’t isipa’y ikaw ang laman,
Kapag nag-iisa’y isinisigaw ang iyong pangalan.

Ako’y naghintay subalit nang ika’y nahawakan,
Dumating ang iyong pinakamamahal.
Bigla kang nawala at ako’y iniwan,
Bakit napakahirap mong kalimutan?

Alam kong maligaya ka sa piling niya.
Ngunit bakit di ko magawang sumaya?
Di ko mapigil ang luha sa aking mga mata,
At labis ang sakit na nadarama.




jan 29 2008
by: jcdeth10

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success