Mga katropa, nais kong ipakilala
Isang samahang nabuo sa 'skela
Mayayabang kami yan ang inyong akala
Ang totoo kami'y sadyang pinagpala
Kaming kabataang mahilig maglaro
Mahilig din kami sa mga joke at biro
Laging sinasabi kami'y mga gwapo
Sana pag inyong nadinig wag masyadong seryoso
Kaming magkakaibigan sadyang kakaiba
Mga pogi na, matatalino pa
Di naman kami'y sadyang magkaganito
'Wag sanang sabihing malalaki ang ulo
Kaming lahat ay nagkakaisa
Sa kalokohan sa gimik at kung anu-ano pa
Kapag napasali siguradong tatawa
Tawa na, tawa pa, tawa ka, HaHaHa..! ! !
Dito natatapos itong cute na tula
Ang poging si JOED ang lumikha
Pagbata, matanda, may ngipin o wala,
Sana'y mamayagpag sa mga pusong dakila...
-Joed Villauel a.k.a Joed Juliano
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem