Kabiguan Poem by Hazelyn Usop

Kabiguan

Pag-ibig na kaytamis
Ika mo’y walang kawangis
Ngunit ika’y nagmalabis
At kabiguan ang iyong ninais

Marahil nararapat tanggapin ang realidad
Na ikaw at ako’y sadyang hindi magkapalad
Langis at tubig ang ating halintulad
Isang pagmamahalang kailanman ay di matutupad

Pagtanggap ng kabiguan ay hindi pagkatalo
As halip ito’y katunayang ika’y ganap na tao
Pagkat sa buhay ay hindi puro panalo
Dahil minsa’y kinakailangan mong mabigo
Upang ika’y matutong sumaklolo

Kabiguan ang magtuturo ng tama o mali
Nagsasabing sa kalungkutan hindi dapat magpatali
Umibig at magtiwalang muli
Harapin ito ng walang pasakali
Asahang bukang liwayway ay muling mababawi

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success