Kaibigan Mong Taksil Poem by Hazelyn Usop

Kaibigan Mong Taksil



May nais aminin sayo aking kabarkada
Ako’y nagkunwari at ikay inibig higit sayong inaakala
Ngunit langing sayo’y nag aatubiling ipaalam
Pag ibig kong magdudulot ng hangganan sa ating pagkakaibigan

Bagamat hindi na kakayanin pang ikubli
Pagkat sa kilos at salita koy di maiwaksi
Espesyal na pagkalingang di naiisantabi
Kaibigan hangad kong ika’y kaulayaw sa araw at gabi

Kung iyong mamarapatin nais ding aminin
Na ikay kinaibigan upang masimulang suyuin
Kaya’t nang malaman sa iba ika’y nahuhumaling
Patawad dahil di ko mapahihintulutang ika’y kanyang maangkin

Iniukit ko sa kalangitan
Pagsinta kong kahalintulad ng walang sukatang kalawakan
Ibinilin ko sa bituing nagkikislapan
Sumpang ikaw lang iibigin magpakailan pa man

Sa tuwing ang hangin ay nilalanghap sa aking paghinga
Ibinubulong nitong paglingkuran ka ang sa aking ay nakatalaga
Walang paniniwalaang Imposible,
Pagkat handa kong gawin lahat para ika’y maging komportable

Ako ang taksil mong kaibigan
Dahil umibig sayo ng higit sayong inaasahan
Nagsusumamong iyong maintindihan
Na ang dikta ng puso ko’y diko pinanghahawakan

Diyos na kataas taasan at may likha
Tulungan sanang gamutin pusong may sakit na malubha
Sanay ipa ubaya, lunas na IKAW rin ang may gawa
Siya sanay maging KA-IBIGAN Para mo nang AWA

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success