KAHANGA-HANGA KA HESUS
Sino ba ako upang tawagin
At dinngin ang bawat panalangin
Aking hari na nagmula sa langit
Kay buti mo oh sadyang kay buti
Marami mang beses ako'y nadapa
Di pinansin ang pagtawag mo bathala
Ikay nanatiling tapat at totoo
Sa kabila ng lahat, ikay di nagbabago
Sa presensya mo ay may ligaya at bagong pag-asa
Araw man ay lumipas at mundo'y kumupas
Pangako mo't pag-ibig mag pakailanma'y wagas
Ikay sadyang kahanga hanga, kahanga hanga ka Hesus.
Kapatawaran sa kasalanan na aking nagawa
Doon sa krus napako ka sa aking sala
Kapalit ay kalayaan at buhay na walang hanggan
Kaya papuri't pag samba ay tanging sayo lamang.
kahanga hanga ka Hesus! ! !
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem