Ilang buwan na rin ang nakalilipas
Naiinis ako sa aking sarili,
Pag naaalala ko ang araw na,
Ang araw na iyon! nakapanghihinayang.
Nang binigyan ng kulay.
Ang tahimik at payapa naming buhay
Lagi mo kaming binibigyan ng ngiti
At kasiyahan sa aming mga labi.
Naaalala ko pa rin ang araw na,
Kinakarga kita at niyayakap na rin.
Para sa amin hindi ka iba kundi,
Pamilya at kaibigan na rin namin.
Nang mawala ka at iniwan ng lubos
Ang mundong aming tinatakapan ngayon
Nawalan ako ng isang kaibigang
Mahalaga at minahal ng lubosan.
Ika-27 ng Setyembre 2012
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem