Kaibigan Daw Poem by Mac Adrone Adonay

Kaibigan Daw

Kaibigan Daw


May mga kaibigang nagpapalit ng anyo,
Kunwari ngang mabait, maayos makitungo
Kapag iyong kasama ay may mabuting puso
Ngunit ugali'y iba kapag s'ya'y nakalayo.


Laging nariyan sila sa panahong masaya
At biglang nawawala 'pag ika'y may problema
Sa halip na ibangon, ikaw pa'y itutulak,
Sa halip na tulungan, ikaw pa'y nililibak.


Kapag may kailangan ay agad lumalapit,
Katulad nila'y lintang dugo mo'y sinisipsip
Ang hinihinging pabor ibig agad makamit
At kapag di nagawa, sa iyo'y magagalit.


At kapag nakuha na ang kan'yang hinihiling
Sasabihin n'ya'ng lahat ay sa kan'ya nanggaling
Ang binigay na tulong ay dagliang nilimot,
Di n'ya naalala ang kamay mong iniabot.


S'ya daw ang kaibigang maaasahang tunay,
Sa gitna ng lahat, mananatiling kaakbay
Sa mga pagsubok ay magiging kaagapay,
Ngunit mali pala pagkat isa s'yang kaaway.



© MACA.T.A.
# 1,483
9 July 2016
1: 35 p.m.

Monday, July 18, 2016
Topic(s) of this poem: friendship
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success