Kaibigang Matalik Poem by cosheila bihag

Kaibigang Matalik

Rating: 5.0

mahirap man isipin pero dapat tanggapin
na sa buhay dumating
malapit na kaibigan
may panahong mawaglit

sa pag-alis
waring napukpok ang damdamin
at waring may sili ang paningin
sa pagkat napalayo sa kaibigang matalik

nang tumanda ang panahon
iyong namalayan di makahulugang karayom
iyong nakilala
sapagkat marami kang nakikita

kahit na ganoo'y
kapalagayang loob na matatawag mong kaputol na pusod ay iyong maalala
pero hanggang doon na lang
sapagkat siya'y nasa ibang planeta

sa pagbabalik tanaw minsan ika'y makadama ng saya
sapagkat bumabalik sa isipan ang magandang nakaraan
minsan malungkot 'pagkat pangit na kahapo'y
di maiwasang maalala

anumang nadaranas na siya'y kasama
ito'y binigyan mo ng importansya
at ngayong wala na s'ya
dala dala pa rin kanyang presensya't alaala

ang babaw naman
kahit lang alaala'y kontento ka na
parang isang taong
kunting tawa lang masaya na

pagiging mababaw ay nagdudulot ng kabutihan
sapagkat ito'y nakatutulong na hindi masaktan
masaktan sa pagnanais at mangangarap
na sa kahuliha'y walang katuparang maganap

'kaibigan, kahit saan ka man
ika'y laging tatandaan
sapagkat ika'y marka ng nakaraan
anumang mangyari ika'y hindi mawaglit
dahil ika'y nasa guhit ng palad na maging aking kaibigang matalik'

COMMENTS OF THE POEM
Captain Herbert Poetry 29 April 2014

Poems about friendships and former Best friends. Well done Kindly vote and comments on my poems. Thank you very much

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
cosheila bihag

cosheila bihag

Poblacion, maigo Lanao del Norte
Close
Error Success