Katulad Ng Haring Araw Poem by Marites C. Cayetano

Katulad Ng Haring Araw

Ganyan nga kaibigan
hayaan mong mag-ingay ang mundo
subalit iyong puso'y payapain
at sa mukha'y
biglang laya ang iyong ngiti
katulad ng haring araw
tahimik lamang
na nagbibigay ng liwanag
sa sangkatauhan.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success