Labin Dalawang Tuntunin Kung Ikaw Ay Magmamahal Poem by Hazelyn Usop

Labin Dalawang Tuntunin Kung Ikaw Ay Magmamahal

1.Siguraduhing wagas ang pagmamahal na nararamdaman.
Hindi ordinaryong paghanga lamang.

2.Laging maging tapat
Maliban na lamang kung kinakailangan para sa inyong relasyon.

3.Laging maging malambing
lalo na sa espesyal na araw tulad ng kaarawan, araw ng puso o pasko.

4.laging maging mahinahon
Huwag sisigaw gaano man kasama ang loob lalo na sa karamihan ng tao.

5.Laging ipadama na ang iyong mahal ang pinaka importante sayo
Talikuran ang lahat ng material na bagay para sayong minamahal

6.laging maging mapagbigay
hayaan mong siya ang magwagi sa inyong alitan o pagtatalo.

7.laging maging maunawain
huwag salubungin ang galit ng iyong minamahal.

8.Iwasang maulit ang nagdaang pagkakamali
Ibaon sa limot at huwag ng babanggitin ang mga ito.

9.Iwasang lumaki ang pagtatalo huwag matutulog o maghihiwalay ng hindi pa malinawag ang pinag kalabuan.

10.Iwasan ang argulyo o ego kung may nagawa kang pagkakamali tanggapin ito at humingi ng tawad.

11.Kung mahilig kang mamuna ng kakulangan o pagkakamali
gawin mo ito ng may pagmamahal o konteng lambing.

12.Ugaliin ang pagdarasal
Para sa katiwasayan at katatagan ng inyong relasyon

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success