Latak Na Damdamin Poem by Princess Bernadette Anillo

Latak Na Damdamin

Rating: 5.0

Malamig na ang simoy na nanigas sa pag-iisa
Sa hating gabi nagtitipid ng kisap mata
Walang maitugtog, walang maikatwiran
Bakit ang lamig sa ngayon naglalapitan
Hanap ang naliligaw sa landas ng bagabag
Kapag tanghali’y ang dilim sa akin tumatawag
Isang kibo ng kamay ng orasan ang pinipigil
Ayaw maramdaman ang tibok na nakatigil
Hindi na tumutulo ang luha, sa ngiting pikit
Gumagapang sa damdaming nagmamalagkit
Kaligkig na nililipas ang panaginip na bakante
Mukhang nagpapakapit sa lahat ng nasasabi
Presensyang naudlot sa milyang kalayuan
Sa loob ng dugo’y siya pa rin ang nagtatahan
Ngunit nakayelo ang umaagos nakasalang ang sarili
Bakit di magawang kumalas kahit pa rin nawiwili
Daig pa ang sandata kung bumikwas ng sakit
Pero ngayon pagmamahal ang naghihinakit
Pababain na ang presyon para di na masobrahan
Nasan na ang pighati ngayong lampas na ang babaan
Dahil rin sa alaala, naapakan ang nagbatid
Sa peklat ng mga sugat, may latak pa ring nasaid

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Princess Bernadette Anillo

Princess Bernadette Anillo

Brgy. Ambulong, Tanauan City Batangas
Close
Error Success