Paalam sayo aking iniirog,
hayaan mo'ng pag-alis ko'y para sayo lamang.
Pag-ibig ko ma'y makalimutan,
basta't sayo'y kalayaan ang kamatayan.
Tanggapin mo ang handog ko sayo,
mga puting rosas ng pighati,
Na kahit anurin man ng mga kahapon,
basta't bukas mo'y pagbubunyi.
Iiwanan kita ng may kagalakan,
kapalit man nito'y aking buhay.
Dahil pag-ibig ko sayo'y tunay,
na ang ligaya ay sa kasarinlan.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem