Kung maitutuwid ko lamang
Pagkakamaling nagdaan
Inakalang ako’y di mo na kailangan
Kaya’t ibang puso ang naging sandalan
Bakit di ka maiwaglit sa akin isipan
Ikamo’y may gomamg nakatali sa ating katauhan
Kaya’t di maiwasan balik-balikan
Masayang kahapon ating pinagsaluhan
Sa likod ng mga matang nagniningning
Ay luha at hikbing pilihim
And puso’y naninimdim
Dahil di’ ikaw ang kapiling
Bakit nga ba nagkawalay
Magkasuyong may pagsintang tunay
Tila nawalan ng saysay
Ang pangakong pang habang buhay
Hindi maikubli ang panghihinayang
Sa inialay mong kalinga kailan lang
Dahil ang hinaharap kong katotohanan
Ikaw at ako’y isa na lamang kasaysayan
Hanggang kailan ko pagdurusahan
Pagkakamaling dulot ng kapalaluan
Wala akong mapagbalingan
Kundi ang naging kataksilan
Marahil hanggang panaginip na lamang
Pag ibig natin ay maisakatuparan
Dahil ako’y nakatali at dina maaalpasan
Sumpang binitawan sa ibang nilalang
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem