Limitasyon Poem by Mac Adrone Adonay

Limitasyon



'Limitasyon'
-
May limitasyon lahat ng bagay,
Mayro'ng hangganan, may dulo't wakas
Nauubos din lakas na taglay,
At ang talino ay lumilipas.
Marahil ngayo'y ulap ay abot,
Sadyang matayog ang 'yong paglipad
Ngunit sa tuktok ng pag-iimbot,
Ang pagkabagsak ang huling gawad.
Nauubos rin ang bawat hiling
Ang kabaitan ay nauupos;
Sa bawat hingi, mithi, at daing,
Pusong busilak minsan ay kapos.
May limitasyon, wag abusuhin,
Saklaw ng lahat, dapat alamin.
-
-
© MACA.T.A.
# 1,475
3 July 2016
4: 32 a.m.
(Sonetong Shakespearean sa Tagalog)

Wednesday, July 20, 2016
Topic(s) of this poem: life
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success